SC: 5

2056 Words
Dixie Montefrio's POV So the total score you've got are: for the Red team they have 1 point, same with the Yellow team while the Blue team got 3 points that made them the winner of this first level and the Green team got 0 so they are the loser and the members of their group will be the nominees for the eviction and punishments. Ilang sandali lang ay biglang dumilim ang buong paligid pagkatapos iyon sabihin ni Selena "Bitawan niyo ako!" Kinabahan ako ng marinig ko ang sigaw ni Jaffar "Sino kayo!?" Tanong naman ni Alvee "Saan niyo ako dadalhin? Gusto ko ng umuwi please" naiiyak naman na sabi ni Lady Kung tama ang pagkakatanda ko, member sila ng Green team na natalo sa unang level. Anong nangyayari? May kumukuha ba sa kanila? Saan sila dadalhin? "Lady!" sabay na tawag namin ni Aira sakanya pero wala kaming narinig na sagot. Nasaan na sila? The first eviction will begin now Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakikita ko ngayon May limang screen sa harapan naming lahat. Tig-iisang screen sina John Rei, Jaffar, Harris, Alvee at Lady. Please sabihin niyong hindi totoo ito! Sila ang myembro ng Green team. Lahat sila ay walang malay na nakatayo sa isang manipis na kahoy habang nakatali ang mga kamay at paa. Mayroon din silang tali sa leeg, isang maling galaw lang at oras na maalis ang kahoy na inaapakan nila ay paniguradong mabibigti sila pero hindi lang iyon dahil sa ilalim ng kahoy na kinatatayuan nila ay may mga mababangis na hayop na nakatingala sa kanila na tila naghihintay ng pagkain which is ang mga kaibigan namin. "Tangina hindi na talaga ito nakakatuwa!" Humahagulgol na sabi ni Jam habang nakatingin sa mga screen. "The only way out of here ay ang pag-amin ng kung sino man ang gumawa ng bagay na iyon kay Erika" seryosong sabi ni Jol Hindi ko alam bakit pero nagkakarinigan kami kahit pa nasa iba't ibang kwarto parin kami. Siguro ay dahil sa intercoms. "What do you mean?" Tanong ni Justin "That Selena mentioned that we're here to seek justice for Erika, so it's for us to know who is or are the culprit/s" paliwanag naman ni Jol "Are you f*****g saying na naniniwala kang nasa groupo namin ang pumatay sa kaibigan natin? Nahihibang ka na ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Monjaheer "Then let's take this eviction as a sign" nilingon naman namin si Nash ng magsalita ito "Sa nakikita ko mukhang mamamatay kung sino man ang ma-eevict dahil sa set up ng mga kasama natin sa kung nasaan man sila isang maling galaw lang ay impossibleng makakasurvive sila. Kapag totoo ang hinala ko then this game is real at totoong nasa atin lang ang salarin sa nangyari 2 years ago" gusto kong maiyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip na sa loob ng ilang taon ay nasa paligid lang pala namin ang gumawa ng karumaldumal na krimeng iyon, hindi ko lubos maisip na may isa saamin ang kayang gawin ang bagay na iyon. "Ano na ang gagawin natin ngayon?" biglang tanong ni Mhel na tila narinig naman ni Selena Who will you save? Biglang sabi nito gamit ang nakakakilabot na boses. Each one of you has a designated electronics that you'll be using until the end of this game to vote for evictions. Kindly get it inside the bag behind you. Agad naman kaming lumingon sa likod at may bag nga. Saan nanggaling ito? Bakit parang hindi ko naman ito nakita kanina? Pinulot ni Monjaheer ang bag na iyon atsaka isa-isang inabot saamin ang parang cellphone. Pinindot ko ang power button at bumulaga saakin ang pangalan ng mga kaibigan namin na nasa likod ng limang screen Who will you save? You can only choose one ⚪ Lady ⚪ Alvee ⚪ Harris ⚪ Jaffar ⚪ John Rei Iyan ang nakalagay sa screen ng parang cellphone na ito Who will I save? Gusto ko silang iligtas lahat pero ang hirap, ang hirap hirap kasi gusto ko silang iligtas lahat. "WALANG BOBOTO!!" biglang sigaw ni Arshad Napatingin naman ako sa hawak ko ng bigla iyong mag vibrate If you won't vote all of them will die :) you only have 3 seconds left Dahil sa takot at kaba ay agad kong pinindot ang pangalan na napili ko Sorry guys Matapos ang tatlong segundo ay agad naman namatay ang hawak ko at sa tingin ko ay ganon din ang sa mga kasama ko. "Nasaan ako?" napalingon kami sa screen ng marinig ang boses ni Harris. Mukhang ginising sila "T-tulungan niyo ako please" nagmamakaawang sabi ni Lady habang nakatingala dahil ayaw niyang makita ang mga mababangis na hayop na nasa ilalim ng kinaroroonan niya ngayon. "LADY!" sabay sabay na sigaw nila Jaffar, Harris, Alvee at John Rei. Mukhang ngayon lang nila napansin ang isa't isa. Bigla naman nag zoom out ang limang screen kung saan kita na silang lima na nakapa-ikot ang porma Your life will depend on your so-called friends right now. Whoever will get the least vote will be evicted and the rest will be saved. Rinig namin na sabi ni Selena sa kanila. Bigla naman nagvibrate ulit ang hawak ko kaya tinignan ko iyon at gusto kong maluha sa nakikita Result John Rie - 1 vote Jaffar - 2 votes Harris - 2 votes Alvee - 2 votes Lady - 6 votes Skipped vote - 1 vote "Tangina sabing walang boboto!!" nanggagalaiti sa galit na sabi ni Arshad, mukhang hindi nga talaga ito bumuto pero mamamatay silang lahat kapag sinunod namin ang gusto niya. Tinignan ko ulit ang hawak ko saka wala sa sariling napalingon kay John Rei, he got the least vote. Napansin kong napalingon sina Lady sa kinatatayuan ni John Rei, mukhang alam narin nila ang naging resulta ng votings. "Sana mapatawad niyo ako" biglang sabi ni John Rei "Hindi ko ginustong itago ang mayroon kami ni Erika pero ayaw din namin na masaktan si Dolax. Ilang beses naming sinubukan sabihin pero pinangunahan kami ng takot na b-baka masira ang p-pagkakaibigan natin d-dahil sa relasyon namin. Dolax dude" luminga kung saan saan si John Rei dahil halatang di niya alam saan titingin at tila hinahanap si Dolax o ang camera "kung nakikita o naririnig mo man ito patawad" agad naman itong tumingala at biglang ngumiti "Erika patawad na mas pinili kong manahimik" lahat kami ay tila naguluhan sa huli niyang sinabi pero bago paman kami makapagreact ay biglang naputol ang kahoy na kinatatayuan ni John Rei kasabay nun ang pagkahulog niya pero nanatiling nakabitay dahil sa tali sa leeg niya at saka ito biglang tinakbuhan at tinalunan ng mga mababangis na hayop sa ilalim nila at walang awang kinakain ang katawan niya. Mayabang si John Rei pero hindi rin naman namin maipagkakailang kaibigan parin namin siya. Lahat naman ng tao may sekreto, lahat kami may sekreto sadyang isa lang sa napiling ibunyag sa ganitong pagkakataon ang sakanya. Kahit pa siya ang isa sa pinakapadalos-dalos saaming lahat ay napalapit narin ang loob niya saamin sa loob ng ilang taon. Kapatid at kaibigan, iyan parin ang turing ko sakanya at alam kong ganon din ang iba pa naming mga kaibigan "John Rei! / Hindi!!! / Tama na please!!!" isa isang sigaw ng mga kaibigan namin samantalang ako ay walang mahugot na kahit na anong salita dahil sa nakikita ko. Bigla naman bumaliktad ang sikmura ko ng makita kung paanong naghiwahiwalay ang parte ng katawan ni John Rei atsaka iyon mas lalong pinagpyestahan ng mga hayop. Nakita kong nasuka narin ang iba saamin. So this is the sign that Nash is talking about. This game is real. Bigla naman nagsitayuan ang balahibo ko ng marealize ang isa pa sa sign, isa saamin ang may pakana sa nangyari kay Erika. John Rei Salvatore's time of death 2:14 pm Natigilan kami ng marinig ang boses ni Erika. Kung sino man ang nasa likod ng larong ito ay mas masahol pa sa taong gumawa nun kay Erika, hindi makatao itong ginagawa niya at hindi ganito ang hustisyang gusto namin John Rei is not one of the suspects Dagdag pa nito But a witness Kumunot ang noo ko dahil sa narinig at kasabay nun ang paglabas ng isang clip kung saan nakikita si John Rei na nakatago sa likod ng isang puno at tinitignan ang isang babaeng walang awang pinaghahampas ng kung sino. Hindi nakikita kung sino ang humahampas sakanya dahil nakablur ang taong iyon. Erika Nandoon siya at nakita niya ang ginawa kay Erika pero ni hindi niya man lang iyon tinulungan. Kitang kita sa video na naluluhang nakatago lang si John Rei sa likod ng isang puno habang ingat na ingat na di makagawa ng ingay. Pinangunahan ito ng takot kesa tapang na iligtas ang kaibigan namin pero bakit hindi siya nagtawag ng pulis? Bakit nanood lang siya? Dahil ba sa kaibigan namin ang gumawa? Puno ng katanungan ang isip ko ng mapansin na tila may kakaiba sa gilid ni John Rei and there we saw someone na nakablur din kaya hindi kita kung sino pero isa lang ang nasisiguro ko, isa siya sa mga may gawa nun kay Erika. One of the suspects saw him and pointed a gun at him, its either he'll speak about what he saw or he'll die And with that, we lost another friend again. The same day we lost Erika is also the same day we lost John Rei, dapat ay nasa puntod kami ni Erika ngayon, dapat ay naglilinis at dinadalaw namin siya doon pero bakit ganito ang nangyayari ngayon? Hindi na naging dalaw ang nangyari kay John Rei kung hindi sinundan na niya ito mismo sa kung nasaan siya. Akala namain ay tapos na pero may ibang clip pa na nagplay sa monitor It was Erika ang John Rei, magkatabi sila sa garden ng school Napaluha ako habang nakatitig sa kanila, ang dalawang kaibigan namin sa parehong namaalam na saamin sa parehong buwan at araw ngunit hindi lang iisang taon. Ang sakit sakit. Nakaupo lang silang pareho habang nakatingin sa malayo "Paano natin sasabihin sa kanila?" tanong ni Erika "Hindi ko rin alam, lalo na kay Dolax dahil paniguradong magagalit siya," sabi naman ni John Rei Napalingon ako kay Dolax na nakakuyom lang ang mga kamao habang nakatingin sa screen "Hindi ko rin alam paanong sisimulan na sabihin sakanya pero alam naman niya, alam niyang wala akong nararamdaman sakanya pero kahit anong gawin ko ay hindi parin ako makakawala sakanya and I'm sorry dahil hindi man lang natin magawang ipakita sa lahat ang mayroon saatin dahil saakin, dahil sa problema ko sa pamilya, at sa namamagitan saamin ni Dolax," nakayukong sabi ni Erika saka niyakap ang tuhod niya Lumapit naman sakanya si John Rei atsaka inakbayan at pinasandal sa balikat niya si Erika. "Magiging maayos din ang lahat, hindi man ngayon pero naniniwala akong magiging maayos rin ang lahat," kitang kita sa kanilang dalawa na iniingatan at mahal nila ang isa't isa Pero pinagkaitan silang sabihin sa lahat at ipaalam ang namamgitan sa kanila dahil sa takot na baka hindi namin sia matanggap, dahil sa pangamba na baka iba ang isipin namin lalo na ni Dolax. Lahat kami ay alam kung gaanong kamahal ni Dolax si Erika kaya kahit ako ay nasisigurong itatakwil niya si John Rei dahil hindi niya magagawa iyon kay Erika kaya kung ako rin mismo sa position ni Erika ay hindi ko rin malalaman ang gagawin ko lalo na kung ang pagkakaibigan naming lahat ang isa sa maisusugal ko Sigurado kasi akong oras na magkalabuan ang isa saamin ay knay kanya na nag panig ang mangyayari may mga magagalit at makakintindi sa dalawa, at oras na umalis naman si Dolax o pinaalis niya si John Rei ay sigurado akong may sasama sa isa sa kanila ay malalayo anrin saamin. Ang hirap, ang hirap lalo na kapag kahit na anong nangyayari ay hindi namin kayang magpakaselfish gaya nilang dalawa na hindi piniling isipin lang ang pagmamahalan nila kung hindi ang pagkakaibigan din namin kahit na ang kapalit nun ay ang pagtatago nila. "Erika!! Rei!!!" napalingon ako sa sarili ko sa screen ng tawagin ko sila Mabilis silang naghiwalay ng makalapit na ako "Kakain na daw tayo, tara na baka maiwan na tayo!" sabi ko Nakasanayan kasi naming magkakaibigan na sabay sabay na kumain sa isang restaurant sa labas ng school kaya kilala narin kami doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD