Someone’s POV “Mukhang may natitira ka parin palang awa sakanila,” napalingon naman ako sa kapatid kong nakangisi saakin “Tss, nahihibang ka na,” sabi ko lang matapos binaling ang focus sa monitor “Eh bakit mo tinulongan?” tanong nito habang nakataas ang kilay Bumaling naman ang atensyon ko kay Dixie mula sa monitor kung saan nakikita ko lahat ng galaw ng mga magkakaibigan. “Masyado pang maaga para may mamatay sakanila, first stage palang ng laro sa araw na ito matatapos na agad pag may namatay,” sagot ko Hindi ko ba alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa makulit na ito “Talaga ba?” pang aasar pa niya She knows me very well. “Dalhin mo na nga yan sa labas baka siya pa mauna kong lunurin dito,” utos ko sa kasama namin sa loob ng silid na ito na agad din naman akong sinunod “Ikaw

