Warning R-18 Lady Rae's POV Noong nakarecover na kami sa malakas na pagsabog ay agad kaming tumakbo ulit sa tanging pinto na nakikita namin. Dinala kami nito sa isang napakalaking bodega kung saan sa kabilang dulo ay nakita namin ang iba pa naming mga kasama. "OH MY GOSH!!" takot na takot na sigaw ni Jam. Nilingon namin ang tinitignan niya at nakita namin sa isang malaking kulungan ang mahigit sampong mababangis na hayop kagaya ng kumain kay John Rei kahapon. Halata mong uhaw na uhaw at gutom na gutom ito habang nakatingin saamin mula sa loob ng kulungan. There are 18 keys around the place that is designated to each one of you. However, you only have 3 minutes to find those keys or else those sweet and lovely animals will come in to you. Good luck players Sweet and lovely? Nahihiba

