Alyssa’s POV Hindi ko alam ang mararamdaman dahil sa sobrang takot. Nakabitay kaming tatlo nila Jol at Alvee sa dulo ng ikaapat na building na kinaroroonan namin kanina at walang kahit na anong suporta kung hindi ang tali lang na nakakabit sa mga kamay namin. Naluluha ako at hindi alam ang gagawin at iisipin ng may biglang tila projector na lumitaw sa harap namin kaya naman ay nagkatinginan kaming tatlo. Kitang kita namin mula sa projector na yun ang itsura ng mga kasama namin na puno ng takot at kaba habang nakatingin saamin. “It’s time to vote, remember, if you refuse to vote all of them will die. Good luck,” rinig naming sabi ni Selena sakanila Walang gumagalaw sa mga kaibigan namin, alam kong sa puntong ito ay walang gustong bumoto o pumindot ng mga hawak nilang pads. “Iligtas ni

