TBSC: 2

425 Words

"Sa susunod na linggo na ang pasukan natin, sabay na tayong bumili ng mga gamit mamaya," sabi ni Dolax saakin habang nakaupo kami sa sala at nanonood ng movie. Madalas na siya dito sa bahay lalo na ng naging malapit kami sa isa't isa, siya rin madalas ang nakakasama ko sa tuwing aalis ako o may kailangan na gawin. Hindi ko alam pero ang bilis din na naging malapit ang loob ko sakanya siguro ay dahil sa mabait siya? Nakakilala rin ako ng isa pang kaibigan dahil sakanya, si Alfahr, iyong kababata niya na sa Elite University rin daw mag-aaral at kabatch din namin. "Sige sasabihan ko si mommy." sang ayon ko na kinangiti naman niya "Sige, nagpaalam na ako kay mama bago pa pumunta dito kaya okay na ako," tumango naman ako sakanya saka nagpatuloy sa panonood Hindi na namin namalayan ang oras

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD