bc

The Hitman's Other Half

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
family
confident
mafia
heir/heiress
drama
bisexual
serious
war
like
intro-logo
Blurb

Isang pangalan lamang ang nasa mission file—Julian Villarreal. Tagapagmana ng makapangyarihang mafia clan, ang La Sombra Nera clan.Lalaking dapat patayin.Subalit may hindi inaasahang pangyayari nang magtagpo ang landas nila ng assassin. Dahil sa likod ng walang damdamin at mapanganib na katauhan ni Rigo ay naroon si Gabriel Basco—isang lalaking wasak ang pagkatao matapos gawing sandata ng isang underground syndicate.Dalawang personalidad.Isang katawan.Isang pusong unti-unting nahuhulog sa maling tao.Habang papalapit nang papalapit si Julian sa katotohanan tungkol sa nakaraan ni Gabriel, mas lalo namang nagiging marahas si Rigo upang pigilan ang damdaming hindi nito matanggap.Sapagkat para kay Rigo—Ang pag-ibig sa kapwa lalaki ay isang kasuklamsuklam, kahinaan, at mitsa ng kamatayan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Man Marked By Death
Mahina ang buhos ng ulan sa labas ng gun shop ni Gabriel Basco. Sumasabay sa malamig na hangin ng gabi ang mahinang pagkalansing ng mga bakal na karatulang hinihipan ng hangin sa kabilang kalye. Halos pasado alas-diyes na ngunit bukas pa rin ang ilang establisyemento sa paligid. May mga dumaraang sasakyan paminsan-minsan ngunit hindi sapat iyon upang buhayin ang tahimik na bahagi ng lungsod. Marahan niyang ibinaba ang rolling door ng kanyang shop bago ini-lock iyon. Kumalansing ang susi sa kanyang palad habang bahagya siyang napayuko. Ramdam niya ang paninigas ng kanyang balikat at likod dahil sa maghapong pagtatrabaho. Hindi naging madali ang araw niya. Sunod-sunod ang naging customer mula umaga. May mga pulis na nagpapaayos ng service firearm, mga security guard na bumibili ng bala, at ilang gun enthusiasts na halos dalawang oras na pinag-usapan ang tungkol sa imported na pistolang kakarating lamang noong nakaraang linggo. Sanay na siya roon. Tatlong taon na niyang pinapatakbo ang gun shop na minana niya sa kanyang tiyuhin. Kahit hindi kalakihan ang kita ay sapat naman iyon upang mabuhay siya nang maayos. Tahimik. Simple. Iyon ang klase ng buhay na gusto niya. “Boss, mauna na ’ko.” Napalingon siya kay Nico, ang dalawampu’t dalawang taong gulang niyang assistant. Hawak nito ang backpack habang tila nag-aalangan pang umalis. “Kanina ka pa hinihimas ang ulo mo. Mukhang masama na naman pakiramdam mo.” Bahagyang ngumiti si Gabriel. “Ayos lang ako.” “Sigurado?” “Oo. Sige na, uwi ka na, Nico.” Tumango si Nico bago tuluyang lumabas ng shop. Maya-maya ay narinig niya ang papalayong tunog ng motorsiklo nito. Nang muli siyang maiwan mag-isa ay mas lalong naging tahimik ang paligid. Tumungo siya sa maliit na kusina sa loob ng shop upang magtimpla ng kape. Habang hinihintay na kumulo ang tubig ay napasandal siya sa counter at marahang ipinikit ang mga mata. Muli na namang sumakit ang ulo niya. Ilang linggo na iyong pabalik-balik. Minsan ay bigla na lamang siyang nahihilo. May mga gabing hindi niya maalala kung paano siya nakauwi. May mga pagkakataong nagigising siyang may sugat ang kamay niya. Noong una ay inisip niyang pagod lamang iyon. Stress. Kulang sa tulog. Ngunit habang tumatagal ay mas lalong lumalala. Agad siyang napamulat nang tumunog ang electric kettle. Mabilis niyang tinimpla ang kape bago dinala iyon sa kanyang maliit na opisina. Tahimik siyang naupo sa swivel chair habang pinagmamasdan ang nakapatong na baril sa ibabaw ng mesa. Kanina pa niya inaayos iyon. Disassembled ang mga piyesa ng baril ngunit hindi man lamang siya nahirapang buuin muli ang mga iyon. Parang kabisadong-kabisado na ng kanyang mga kamay ang bawat galaw. CLICK. Mabilis niyang naikabit ang huling piyesa. Saglit siyang napatitig sa baril. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila may kung anong malamig na hangin na gumapang sa loob ng kanyang dibdib. Parang may bumubulong sa gilid ng kanyang isip. “Miss mo na ’ko?” Biglang kumunot ang kanyang noo. Mabilis niyang sinuyod ng tingin ang paligid. Wala namang tao. Tahimik ang buong shop. Tanging mahinang pagpatak lamang ng ulan sa labas ang maririnig. Napahawak siya sa sentido. “Ano na naman ’to...” bulong niya. Pakiramdam niya ay may kakaiba sa kanya ngunit hindi niya tukoy kung ano ito. At ang mas nakakatakot... Pakiramdam niya ay unti-unti na iyong lumalala. Sa kabilang bahagi naman ng lungsod ay buhay na buhay pa ang steak house ni Julian Villareal. Umaalingasaw sa buong lugar ang amoy ng bagong lutong steak at butter sauce habang abala ang mga empleyado sa pagsisilbi. Kahit gabi na ay marami pa ring customer. Hindi nakapagtataka. Kilala ang restaurant. At mas kilala ang may-ari. “Kuya Julian! Table five, dagdag na mashed potato!” “Coming!” Mabilis na lumabas si Julian mula sa kusina habang may hawak na plato. Bahagyang pawisan ang kanyang noo ngunit hindi nabawasan ang tikas niya. Matangkad. Matipuno. May natural na dating kahit simpleng itim na polo shirt lamang ang suot. Maraming customer ang napapalingon sa kanya habang naglalakad. Ngunit sanay na siya roon. “Boss, pahinga ka muna.” Napalingon siya sa isa sa mga waitress. “Kanina ka pa walang upo.” “Kapag huminto ako, kayo rin hihinto.” “Workaholic ka talaga.” Bahagyang natawa si Julian. Ngunit agad ding nawala iyon. Mula sa salamin ng restaurant ay may napansin siyang lalaking nakatayo sa kabilang kalsada. Naka-abong suit. Matanda. Tila kanina pa nakatingin sa kanya. Kumunot nang bahagya ang noo ni Julian. “Kilala n'yo po ’yon?” tanong ng waitress sa kanya. “Hindi.” simpleng tugon niya. Ngunit hindi maalis ang tingin niya rito. May kakaiba sa lalaki. Parang may gusto itong sabihin ngunit hindi makalapit. Maya-maya ay umalis din iyon. Napailing na lamang si Julian bago bumalik sa trabaho. Hindi niya alam kung bakit ngunit may kakaibang bigat siyang nararamdaman ngayong gabi. Parang may hindi magandang mangyayari. Alas-dose na ng gabi nang tuluyang magsara ang steak house. Pagod na napaupo si Julian sa upuan habang pinupunasan ang pawis sa kanyang leeg. Tahimik na ang paligid. Isa-isa nang nagsiuwian ang mga empleyado. “Boss, mauna na kami.” “Sige. Mag-ingat kayo.” Nang tuluyan siyang maiwan mag-isa ay napabuntong-hininga siya. Ganito palagi ang routine niya. Trabaho. Bahay. Trabaho ulit. Hindi naman siya nagrereklamo. Mahal niya ang restaurant. Pinaghirapan nila iyon ng kanyang ina. Ngunit minsan, pakiramdam niya ay may kulang. Napailing siya. Siguro dahil wala na naman siyang matinong tulog. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at lumabas ng restaurant. Tahimik ang kalsada. May iilang sasakyan lamang ang dumaraan. Pagkasara niya ng pinto ng steak house ay biglang may malamig na hangin na dumaan. Kasabay no’n ay ang pakiramdam na may nakatingin sa kanya. Mabilis siyang napalingon. Subalit wala naman siyang nakita. Ngunit nang akmang lalakad na siya ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo sa dulo ng kalsada. Masyadong mabilis. Masyadong diretso. Tila siya ang pakay. Tumalim agad ang tingin ni Julian. Hindi siya natakot. Sa halip ay tinalasan niya ang pakiramdam. Kailangan niyang maging alerto. Huminto ang motorsiklo ilang metro ang layo sa kanya. Dahan-dahang bumaba ang rider. Nakasuot ito ng itim na leather jacket. Matangkad. Basa ang buhok. Kahit madilim ay kitang-kita ni Julian ang malamig nitong mga mata. Nagtagpo ang kanilang paningin. At sa kung anong dahilan ay biglang bumigat ang paligid. Parang may namumuong tensyong sa hangin. Hindi agad nagsalita ang estranghero. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya. Parang sinusuri siya. “May kailangan ka?” malamig na tanong ni Julian. Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip, isang matipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi sabay sabing, “Wala naman.” Mababa ang boses nito. Malamig. “Napadaan lang.” segunda nito. Ngunit hindi kumbinsido si Julian sa sinabi nito. Sa loob ng helmet ng lalaki ay tahimik na nagkakagulo ang kanyang isip. Patuloy ang mahinang boses sa loob ng kanyang ulo. “Umalis ka rito.” “Hindi natin siya dapat lapitan.” “Gabriel...” Marahan niyang ipinikit ang mata. At nang muli niya iyong imulat... Nawala ang malamig na ngiti. Napalitan iyon ng pagkalito. “Ano...” Napahawak siya sa ulo. Saglit siyang natigilan habang nakatingin kay Julian. Bakit siya naroon? Bakit parang hindi niya maalala kung paano siya napunta roon? At bakit parang may kung anong mapanganib na koneksyon ang estrangherong nasa harap niya? “Boss?” untag ni Julian sa lalaki. Napakurap ito. “Sigurado ka bang ayos ka lang?” Hindi agad nakasagot si Gabriel. Gabriel. Iyon ang pangalan niya. Hindi Rigo. Hindi halimaw. Si Gabriel. Mabagal siyang napaatras. “Pasensya na...” Bahagya siyang napailing. “Mukhang nagkamali lang ako ng pinuntahan.” Agad siyang bumalik sa motorsiklo. Ngunit bago niya paandarin iyon ay muli niyang tinapunan ng tingin si Julian. At sa loob ng ilang segundo... Parang may kung anong madilim na bagay ang muling gumapang sa loob ng kanyang dibdib. Isang malamig na pakiramdam. Pagkatapos nito ay paanas na bulong ng isang pangalang nagmula sa kailaliman ng kanyang diwa. “Rigo...” Mabilis niyang pinaandar ang motorsiklo at tuluyang umalis. Naiwang nakatayo si Julian sa madilim na kalsada habang pinagmamasdan ang papalayong rider. Hindi niya kilala ang lalaki. Subalit pakiramdam niya hindi iyon ang huli nilang pagkikita. Sa di-kalayuan, mula sa loob ng isang nakaparadang sasakyan, tahimik silang pinagmamasdan ng dalawang pares ng mata. “Siya ba ’yon?” tanong ng isa. Tahimik na humithit ng sigarilyo ang lalaki sa driver seat. Pagkatapos ay marahan itong ngumisi. “Interesting.” Sa loob ng madilim na sasakyan, unti-unting nagliwanag ang pulang dulo ng sigarilyo. Kasabay no’n ay ang malamig na ngiti ng lalaking tila matagal nang naghihintay na magsimula ang kaguluhan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
716.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
954.2K
bc

A Warrior's Second Chance

read
344.2K
bc

Not just, the Beta

read
340.7K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook