Chapter 2

1999 Words
"Isleigh gumising ka na, may pasok ka pa sa hotel," sambit ni mama sa akin. Napa nguso naman ako at agad na tumayo . "Anong oras na ma?" inaantok na tanong ko sa kanya. "Alas kwatro," sagot niya sa akin. Tumango naman ako at agad na tumayo, lumabas ako nang kwarto ko at dumiretso ako sa kusina para kumain nang umagahan. "Kumain kana, nakapag luto na ako," sambit ni mama sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya. "Pumalaot na si papa?" tanong ko kay mama pagka upo niya sa harapan ko. "Oo, kanina lang," sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya at kumuha ako nang plato ko para maka kain na ako. "Anong oras ka pupunta ng palengke ma?" tanong ko sa kanya. "Mamayang ala singko," sagot ni mama sa akin. Tumango naman ako at napa tingin ako sa kapatid ko na kaka baba lang galing sa kwarto niya. "Aga mo naman?" tanong ko sa kanya. Napa tingin naman siya sa akin. "May school fair kami ate, kailangan ala sais nandoon na kami," sagot niya sa akin. Napa tango naman ako sa sinabi niya at hinayaan ko na siyang mag kikilos dito sa kusina para kumuha siya ng pag kain niya. “Kamusta naman studies m,o?2 tanong ko kay Azli habang kuma kain kami. Tumingin naman siya sa akin. “Ayos naman ate, ma taas mga grades ko,” naka ngiting sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. “Mabuti naman,” sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at bahagyang ngumiti. “Palagi ka ngang tina tanong ng mga prof ko ate, tapos sina sabi nila kung gaano ka kagaling at ka talino,” naka ngiting sagot niya sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang umiling. “Nambobola ka na naman.” naka ngising sagot ko sa kanya. Sumimangot naman siya sa akin kaya bahagya akong na tawa. “Malungkot kana niyan?” naka ngising dagdag ko pa sa kanya. Na tawa naman siya at bahagyang umiling. “Hindi sana kung dadagdagan mo allowance ko,” naka ngising sagot niya sa akin. Na tawa naman ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang libo. “Oh ayan,” sagot ko sa kanya. Ngumisi naman siya at agad na tinanggap ang perang inaabot ko sa kanya. “Thank you ate, I love you ate,” naka ngising sagot niya sa akin. Na tawa naman ako sa kanya at tumayo na dahil tapos na akong kumain. Agad akong bumalik sa kwarto ko para kumuha ng damit dahil kailangan ko nang ma ligo. Ayaw ko pa namang na lelate ako sa trabaho ko. Pagka tapos kong ma ligo at nag bihis ay kinuha ko na ang bag ko para lumabas na ng bahay. “Alis na po ako,” sigaw ko bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Agad akong sumakay ng tricycle para ma bilis akong maka rating sa hotel. Pagka rating sa labas ng hotel ay agad na akong nag bayad sa driver at pumasok na ako sa staff’s room. “Leigh, sa restaurant ka raw ngayon,” sambit ng ka trabaho ko sa akin. Tumango naman ako sa kanya at agad na dumiretso sa restaurant para mag trabaho na. Nag in muna ako bago ako pumasok nang tuluyan sa staff’s room para mag palit ng uniform. “Ayan na si ganda,” naka ngising sambit ni Ambert sa akin. Siya ang beki na kaibigan ko rito. Na tawa naman ako sa kanya at pa biro ko siyang inirapan. “anong ginawa mo nung day off mo girl?” naka ngiting tanong niya sa akin. At dahil sobrang aga pa at wala pang pumu punta sa restau ay nakakapag kwentuhan pa kaming dalawa. “Tinulungan ko si mama mag tinda sa palengke,” sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa sinabi ko. “Wala talagang pahinga sa’yo ‘no?” naka ngising tanong niya sa akin. Na tawa naman ako sa kany at bahagyang umiling. “Iyon na ang pahinga ko, hindi naman masyadong nakaka pagod sa palengke, kaya suma sama na ako,” naka ngising sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa sinabi ko at bahagyang napa ngisi. “Well, totoo naman. Tatayo ka lang naman sa palengke parqa mag kilo ng mga isda, pagka tapos wala na,” sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya dahil totoo naman. Ganon lang ang gina gawa namin sa palengke dahil hindi na namin kailangan mag lako pa ng mga tinda nila. “Malakas din naman kasi ang benta sa palengke, lalo na sa pwesto ni mama,” naka ngiting sagot ko kay Ambert. Tumango naman si Ambert sa akin kaya nginisian ko siya. “Hello people,” naka ngising bati ng kaibigan kong si Harmony. “Buti hindi ka late,” sambit ko kay Harmony. Ngumisi naman siya sa akin. “Buti nga ginising ako ni mama, kung hindi baka talagang ma le late ako, puro bawas nalang sweldo ko dahil sa pagiging late ko,” naka ngiwing sagot ni Harmony. na tawa naman ako sa sinabi niya at pa biro ko siyang sinabunutan. “Mag alarm ka kasi, eh paano nalang kung maaga namalengke si tita edi hindi ka ma gigising ng maaga?” sermon ko sa kanya. Napa ngiwi naman siya sa akin at bahagyang umiling. Hindi na kami nakapag usap usap dahil nag simula nang dumami ang mga puma pasok sa restaurant kaya naman nag simula na kaming mag trabaho. Ako ang nag se-serve ng mga pag kain kaya ma bilis ang kilos ko. “Table ten, Leigh,” sambit ni Chef sa akin. Tumango naman ako sa kanya at kinuha ang tray, agad kong hinanap ang table ten at naka ngiti akong nags erve sa table na iyon. “Enjoy your meal sir,” naka ngiting sambit ko rito. Agad namang tumingin sa akin ang foreigner na naka upo. “You are the girl from the wet market,” sambit niya sa akin. Napa tingin naman ako sa kanya at napag tanto kong siya iyong nag bigay ng sukli sa akin. “Oh yeah, I remember you, thank you for the change,” naka ngiting sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at bahagyang ngumiti. “No problem” naka ngiting sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at akma na sana akong tatalikod nang tinawag niya ako ulit. “Hey miss,” tawag niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at bahagyang ngumiti. “Yes sir?” naka ngiting tanong ko sa kanya. Hindi ko pinapa halatang nag mamadali ako dahil marami pa akong pagkain na i seserve. “Can I get your number?” naka ngiting tanong niya sa akin. Agad naman akong ngumiti sa kanya. “I don’t have my phone right now sir, sorry,” naka ngiting sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa sinabi ko at mukhang alam na niya ang sagot sa sinabi ko. Agad naman akong ngumiti sa kanya ata agad na tumalikod dahil andami nang order na kailangan ko pang i serve sa mga table. “Tulungan na kita,” sambit ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa kanya dahil sa dami ng tao baka hindi ko kayanin na ma iserve lahat ng mga na iluto nang order. “Anong sabi sa’yo nung kano kanina?” tanong ni Harmony sa akin habang sabay kaming nag lalakad papunta sa mga table table. “Hini hingi number ko, eh hindi ko naman pinamimigay basta basta number ko,” sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at bahagyang napa ngiti. “Baka type ka,” naka ngising sagot niya sa akin. Na tawa naman ako sa kanya at bahagyang umiling. “Hindi ko siya type,” sagot ko sa kanya at agad na nilapag sa lamesa ang dala kong pagkain. “Enjoy your meal,” naka ngiting sambit ko. Nag tuloy tuloy ang pag seserve namin ni Harmony hanggang sa ma tapos ang lunch at kaunti nalang ang mga na iwan sa loob ng restau. “Lunch na raw kayo, nandyan na mga papalit sainyo,” sambit ng supervisor namin sa amin. Tumango kami at sabay kaming pumasok ni Harmony sa staff’s room, may pag kain na kami roon na naka prepare kaya agad akong umupo at uminom ng tubig. “Grabe, andaming tao,” na iiling na sambit ko pagka tapos kong uminom ng tubig. Tumango naman si Harmony, ka tulad ko ay pagod na pagod na rin siya. “Hindi ko inexpect dagsa ng mga tao ngayon,” na iiling na smabit ni Harmony sa akin. Na tawa naman ako dahil ako rin. Sobrang sakit tuloy ng braso ko kaka bitbit at hawak ng mga tray. “Kumain na tayo, na gugutom na rin ako,” sambit ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa kanya at kinuha ko ang pagkain ko. Roasted chicken ang ulam namin ngayon. “Hingi nalang tayon ng rice sa kitchen kapag kulang,” sambit ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa kanya. “Grabe, gusto ko na talagang mag maynila,” na iiling na sambit ni Harmony sa akin. Napa tingin naman ako sa kanya. “Bakit ba gusto mon sa maynila?” tanong ko sa kanya dahil maganda naman ang trabaho namin dito, malaki laki naman ang sweldo. “Mas maraming opportunities sa maynila, Leigh,” sagotn niya sa akin. Napa tango naman ako sa kanya, alam ko naman iyon pero parang nakaka takot makipag sapalaran sa maynila dahil na napapa nood at na ririnig ko. “Parang nakaka takot naman kasi sa maynila,” sagot ko sa kanya. Agad naman siyang umiling sa sinabi ko at tinignan ako nang seryoso. “Girl, kung gusto mo talagang umunlad sa buhay nang hindi nag aasawa nang foreigner, sa maynila ang pinaka last choice natin,” sagot ni Harmony sa akin. Napa isip naman ako sa sinabi niya. “Kailan mo ba balak mag maynila?” tanong ko sa kanya. “Mag iipon muna ako tsaka kapag gusto mo rin,” naka ngising sagot niya sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya. “Ako talaga?” nata tawang tanong kon sa kanya. Tumango naman siya sa akin at bahagyang napa ngisi. “Syempre, hindi pwedeng hindi kita ka sama,” naka ngising sagot niya sa akin. na tawa naman ako sa sinabi niya at napag isip isip na tama siya, hindi ako uunlad kung ikukulong ko ang sarili ko rito sa probinsya, lalo na gusto niyang bigyan ng ma ayos na buhay ang pamilya niya lalo na ang kapatid niya. Hindi niya ma gagawa iyon kung aasa lang siya sa sweldo niya rito sa restaurant. “Susubukan kong mag pa alam kina mama at papa, kung papayagan nila ako mag iipon ako,” sagot ko sa kanya. Napa ngisi naman si Harmony sa akin. “Sana payagan ka, para naman maka layas layas naman tayo rito, sawang sawa na ako sa bibig ng mga kamag anak ko,” na iiling na sambit ni Harmony sa sinabi niya sa akin. “Gusto ka na ata nila mag hanap ng asawa?” tanong ko kay Harmony. Tumango naman siya sa akin at bahagyang napa iling. “Oo, foreigner daw para mas maraming pera,” sambit ni Harmony sa akin. Agad naman akong napa iling sa sinabi niya. “Palagi naman silang ganyan,” na iiling na sambit ko sa kanya. Tumango naman si Harmony sa akin. Pagka tapos naming kumain ay agad na kaming nag ligpit. "Saan daw tayo mamaya?" tanong ko kay Harmony dahil hindi pa kami ina assign kung saan kami mamaya dahil may naka duty na sa restaurant. "Baka sa mga hotel rooms ulit mamaya?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. "Baka nga, mas maganda iyon hindi nakaka pagod," sambit ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa kanya dahil totoo naman, hindi nakaka pagod kapag sa hotel kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD