Chapter 3

1501 Words
Habang nasa staff room kami ay biglang pumasok ang visor namin. "Tapos na kayong kumain?" naka ngiting tanong niya sa amin. Tumango naman ako sa kanya. "Yes sir," naka ngiting sagot ko sa kanya. Matanda lang nang ilang taon sa amin si sir pero kahit ganoon ay hindi pa rin namin siya nakkaka biruan talaga dahil sobrang taas ng posisyon niya. "May dala akong pang himagas para sainyong dalawa," sambit niya sa amin. "Hala, thank you po sir," naka ngiting sagot ni Harmony at agad na kinuha ang inaabot ni sir sa amin. "Thank you po, kumain na po ba kayo?" naka ngiting tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at umupo sa kung saan kami umupo ni Harmony kanina para kumain. "Pagka tapos niyong kainin 'yan, sa mga hotel rooms kayo," sagot niya sa amin. Agad naman kaming tumango sa sinabi niya. Minsan ganito ang rotation namin, kapag umaga kami sa resto ay siguradong sa mga hotel rooms naman kami sa hapon. "Sure sir, thank you," naka ngiting sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at lumabas na. Pagka alis niya ay agad na lumapit sa akin si Harmony para i abot sa akin ang ka hati ng cake na hawak niya. “Type ka siguro ni sir,” naka ngising sambit ni Harmony sa akin kaya sinamaan ko siya nang tingin. “Hinaan mo ang boses mo baka may maka rinig, isipin nila totoo yang sina sabi mo,” pag sasaway ko sa kanya. Na tawa naman siya at bahagyang napa iling. “Ano ka ba? ikaw nalang ata ayaw maniwala eh? lahat kami napapansin ang kakaibang trato ni sir sa’yo, kahit siguro ma late ka nang pa ulit ulit hindi ka kakaltasan non,” naka ngising sagot ni harmony sa akin. na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang napa iling. “‘Yang mga fantasy mo talaga sa buhay mo hindi na nawala girl,” sagot ko sa kanya. Na tawa naman siya sa sinabi ko at bahagyang umiling. “Totoo kasi, tignan mo. Mag observe ka, obserbahan mo ang trato niya sa’yo tapos trato niya sa amin, ibang iba talaga,” sagot niya sa akin. Napa iling naman ako sa sinabi niya. “Tigilan mo ‘yan, nag mamagandang loob lang ‘yung tao,” sagot ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin at bahagyang ngumiwi. “Iba talaga eh,” sambit niya sa akin kaya na tawa ako nang bahagya sa sinabi niya. “Nag ooverthink ka lang talaga, tigilan mo nalang ‘yan, ubusin mo na ‘yang cake mo, para makapag trabaho na tayo,” sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at agad na inubos ang cake niya. Tinapon muna namin ang mga basura namin bago kami lumabas ng staff room at kunin ang mga key cards ng mga hotel rooms. “Yung mga bakanteng rooms lang ba or pati ‘yung mga occupied ang lilinisin?” tanong ni Harmony sa akin. “Depende kung nag request sila, unahin nalang muna natin ang mga hindi pa occupied para kung may humabol na magpapa linis ng kwarto ay hindi tayo pa balik balik,” suhestiyon ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin kaya tinulak na namin pareho ang cart na dala namin. Inuna namin ang hindi okupadong kwarto malapit sa amin. “Grabe, ang yayaman naman ng mga taong nag che check in sa hotel na ‘to,” naka ngiwing sambit ni Harmony sa akin habang pina palitan ko ang bed sheet ng kama, habang siya naman ay nag papalit ng kurtina. “Totoo, nakaka inggit ang mga mayayaman,” naka ngiwing sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa sinabi ko at bahagyang napa buntong hininga. “Nakaka inggit, gusto ko rin ‘yung pa book book nalang ako ng hotel kapag stress ako sa trabaho,” na iiling na sagot niya sa akin. Napa ngiti naman ako sa sinabi niya. “What a privilege to be a rich woman,” sagot ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at bahagyang tumango. “Pribilehiyo nga naman, kaya naman palang gumawa ni Lord ng mayamang tao, bakit hindi pa tayo dinamay talaga,” naka ngisings agot niya sa sakin. na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang napa iling. “Loko ka,” sagot ko sa kanya kaya na tawa siya sa sinabi ko. “Totoo naman ah? kaya naman pala tapos ginawa pa talaga tayong ma hirap,” naka ngusong sagot niya sa akin kaya na tawa ako nang bahagya. “Lahat naman may rason, kaya siguradong may rason kung bakit tayo ipinanganak na mahirap,” sagot ko sa kanya. Napa buntong hininga naman siya sa sinabi ko. “Grabe naman pala, pero sana nga. Sana may plot twist na mang yari sa buhay natin in the future,” sagot niya sa akin. Napa tango naman ako sa sinabi niya dahil hindi lang naman siya ang nangangarap, pareho lang kaming nangangarap nang mataas. “Tara na sa susunod na kwarto,” sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at sumunod siya sa akin tulak tulak ang cart na dala namin, nang maka labas sa kwarto ay tinulungan ko siya sa pag tutulak nito. “Pero hindi ka ba na iinggit simula noon?” tanong niya sa akin. Napa tingin naman ako sa kanya. “Na iinggit saan?” tanong ko sa kanya habang tina tanggal ko ang bed sheet ng kama. “Sa mga schoolmates natin na mayaman,” naka ngising sagot niya sa akin. Napa tingin naman ako sa kanya. “Bakit naman ako ma iinggit sa kanila?” tanong ko sa kanya. Nag kibit balikat naman siya sa akin. “Hindi ko rin alam pero inggit na inggit ako sakanila noon dahil hindi na nila kailangan mag trabaho para makapag aral, habang tayo kailangan pa natin mag trabaho para magka baon man lang,” naka ngiting sagot niya sa akin. Napa ngiti naman ako sa sinabi niya sa akin. “Wala kang dapat ka inggitan sa kanila, Harmony. Because in the first place dapat sila ang ma inggti sa atin dahil maaga palang na ranasan na natin mag trabaho, habang sila wala pa silang experience, this may be look like gaslighting but I am happy to experience such hardwork early, dahil iyon ang naging lakas ko para sa mga kina ka harap kong pag subok ngayon,” naka ngiting sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at bahagyang tumango. “Tama, hindi dapat ako ma inggit sa kanila lalo na gina gawa nila mama at papa ang kaya nila para suportahan kaming mag kakapatid,” naka ngiting sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya. “Diba? tsaka kinaya naman natin, at mas kakayanin pa natin,” naka ngiting sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at ngumisi. “Ang galing mo talaga sa salita,” sagot niya sa akin. Na tawa naman ako nang bahagya sa sinabi niya at tinapos ko na ang pag papalit ng bed sheets. “Hindi naman, sina sabi ko lang ang gusto kong sabihin,” naka ngising sagot ko sa kanya. Na tawa naman siya sa sinabi ko. “Still, sobrang galing mo pa rin, nag tatakha nga ako bakit hindi ka nag psychology,” sagot niya sa akin. Napa iling naman ako sa sinabi niya. “Ano ka ba? Hindi porke magaling ako sa salita ay mag psychology na ako, baka ma una pa akong na baliw kung iyan ang program na kinuha ko,” sagot ko sa kanya. Tumawa naman siya sa sinabi ko. “Sabagay, baka imbes na dalawin kita sa mental bilang doctor bilang pasyente pala kita ma dadalaw,” na iiling na sambit niya sa akin. na tawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang napa iling. “Puro kalokohan talaga eh,” naka ngising sagot ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa sinabi ko. “Totoo naman,” naka ngising sagot niya sa akin. Pagka tapos namin sa mga hindi okupadong room ay sinunod namin ang mga nagpapa request ng room cleaning hanggang sa ma tapos ang duty namin. “Nakaka pagod,” naka ngiwing sambit ni Harmony habang nag lalakad kami pa labas ng hotel. “Ang sakit ng balikat ko,” naka ngusong sagot ko sa kanya. “Ako rin, paspasan ang dagsa ng mga tao sa resto kanina,” na iiling na sagot ni Harmony sa akin kanina. Siguro dahil sa wala kaming tigil sa kakaparito’t paroon kanina dala ang mga tray na may pagkain kaya sobrang sakit ng mga balikat namin. “Feeling ko magkaka pasa ako,” sambit ko kay Harmony habang mina masahe ko ang balikat ko na sobrang sakit. “Cold compress agad para kahit papaaano ma wala sakit niyan,” sambit niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Napag desisyunan naming sa plaza nalang kumain dahil anong oras na rin naman. At kapag ganitong oras ay hindi na kami kuma kain sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD