CHAOS' POV TUMATAHOL ang aso nang makadating kami ng San Dominggo. Iginala ko ang mga mata ko sa buong labas ng mansion, white and classy! Sobrang namiss ko ang lugar na ito. “Babyy,” napabaling agad ako sa aking likuran. Sa loob ay naroroon si Bella na kagigising lang at inuunat ang kaniyang kamay sa ere. “Nasaan tayo?,” inosente niyang tanong. Napatigil siya sa susunod na sasabihin nang makita ang mansion. “Sa Lolo mo tayo? Bakit?” Ngumiti lamang ako sa kaniya. Masaya akong makitang medyo ayos na siya at wala nang bahid ng takot ang kaniyang ekspresyon sa mukha. “Tara na,” masayang aya ko. Buti ay nagkaroon kami ng oras para mamili ni John ng gagamitin. Wala pa namang gamit pambabae rito kay Lolo. Ayoko namang humiram si Bella ng damit kay Nanay. Lumabas na din si John mula

