CHAOS' POV TUMUNOG ang cellphone ko bago pa man ako makalapit kay John. Nasa screen ang aking Papa na hindi na makapag-antay na kausapin ako. “Yes, Papa?” Wala sa sarili kong tanong dahil nagtataka talaga ako bakit ganito ako kulitin ni Papa. Inilapag ko agad sa mesa ang phone at nakapamulsang umupo sa bakanteng upuan. “Si Tito Lucas? Why?” Inilapit ni John sa tabi ko ang kaniyang upuan at bahagyang sinilip ang Papa kong nasa video call. “John! Oh, this is good news! Buti na lang magkasama kayo.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ngunit hindi nagbago ang masaya nitong ekspresyon sa mukha. “Naubos na ang mga kalaban at secured na ang buong hacienda. Pwede na kayo makabalik rito!” “What? Hindi ba madaming natamaang tauhan natin?” Sa totoo lang ay ayokong umuwi roon. Hindi dahil s

