CHAOS' POV TANGHALI na noong umalis kaming dalawa ni John. Makulimlim ang buong kalangitaan at tulad ng karamihan sa mga taong nadadaanan namin sa kalsada ay inaasahan na nilang uulan ng malakas. “Mukhang aabutan tayo ng ulan Chaos. Bilisan na natin,” nag-aalalang sabi ni John. Tinatamad niyang isinandal ang kaniyang likod sa upuan habang tinitipa ng kaniyang daliri ang salamin ng kotse. Ako ang nagmamaneho dahil alam ko kung saang bahay nagtatago ngayon si General Fausto. Parehas kaming natahimik nang bumuhos ang ulan at halos maging malabo na ang tingin ko sa daanan. Nagkausap na kaming dalawa ni General at sinabi niyang nasa bayan ng San Dominggo rin ito ngunit sa lawak ng San Dominggo ay hahanapin pa namin ang Barangay Araste na siyang kinaroroonan ng bahay niya. Wala sa unang pl

