BELLA'S POV Ilang araw pa ang lumipas ngunit hindi ko pa din nakikita si Sashi. Sabagay ay may kulang sa aking huling mensahe. Nawala sa isip ko na hindi pala siya nag-aaral rito sa Hermes at sa Ilocos Norte pa ito nag-aaral. Pero kahit na diba? Sana man lang ay tumawag siya. Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumayo ako at kinuha iyon sa mesa. Ngunit agad din akong Natigilan sa numerong nakaflash roon. It's the same number that called me this week. Naramdaman ko ang paglingon ni Chaos sa gawi ko at nagkunot pa ang noo nito. Nakatingin. Nag-aantay sa pagbalik ko sa tabi niya. Muli akong naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Chaos habang hawak ang cellphone ko. Nagriring pa din ito ngunit hindi ko alam Kung sasagutin ko ba o hindi. Kaya inabot ko na lang kay Chaos na matamang nakatingi

