BELLA'S POV “Why are you crying?,”nag-aalalang tanong nila. Bumaling ang mga tingin nilang tatlo sa akin. Pinunasan ko agad iyon at nagkunwaring okay na ako. “Don’t worry iha, it’s just two weeks. Kailangan lang magpalakas at uminom ng gamot ni Chaos. O’ siya mauna na ako,” aniya ng Doktor. Nakita ko pang tinapik ng doktor ang balikat ni John at sabay silang tumango bago umalis ang doktor. Gayun nga ang ginawa ko. Kada umaga ay pumupunta ako rito para kumain ng breakfast. Syempre nagluluto ako ngunit karamihan doon ay binili ko lang talaga. I sighed habang naaalala ko pang nagprito ako ng hotdog na sunog pa. Pero ayos lang at least masaya at nagustuhan pa din niya ahahah. Tuwing lunch lang ako hindi nakakabisita. Hassle na sa akin ang umakyat ng 20th floor at makipag-unahan sa mga

