CHAOS' POV Nagkagulo na ang lahat at ang mga tao ay kaniya kaniya nang tago sa ilalim ng mesa. Pati ang mga babasaging bintana at chandelier ay nagkanda hulog at basag na sa sahig. Nilabas na agad nila Albert ang kanilang baril at agad na gwinardiyahan ang pagbitbit ko kay Bella. Kailangan ko siyang madala sa pinakatagong headquarters ko rito. Ngunit paano ang mga kasamahan ko rito? “Bro, ako na ang magdadala kay Bella. Mas kailangan ka rito.” Si John. Ang nangyaring ito ay wala sa aming plano. Ngunit kung sino man ang unang nagpaputok ay sisiguraduhin kong malalaman ko din yan. Makakasiguro naman akong safe si Bella. Alam kong maiintindihan niya ako sa gagawin ko. Babawi na lamang ako sa kaniya. Tumango na lamang ako kay John at saka ko binuhat si Bella. Magkasama naming tinungo

