HALOS wala pa din ako sa sarili nang lumapit ito sa akin. Nanunuyo ang aking mga labi nang titigan ko ito mula ulo hanggang paa. Wala akong masabi kundi oozing with hotness! Nakatopless lang kase ito saka nakamaong short na below the knee at walang sapin sa paa. Tumaas ang sulok ng kanyang labi nang di mawala ang tingin ko sa kanya at ibinaba sa gilid ko ang kahoy na buhat-buhat nito. “Naku! Salamat talaga sa inyong dalawa iho!” Nagising ako bigla sa aking iniisip nang magsalita si manong tour guide sa tabi ko. “Walang anuman ho iyon Kuya! Basta ba ipagluto mo lang kami ng iyong inuragang baka!”, isang request ni John. Parehas ko silang tinitigan. Inakbayan pa ni John si Manong na masaya nitong pinanggatong ang kahoy na kinuha nila. Parehas pa silang nakatopless at walang sapin sa

