Ngayong araw ay pasahan na ng aming kanya-kanyang plates. Masaya kong pinagmasdan ang aking gawa habang nakalapag ito sa table ko, isa itong building na mixed with gothic and modern style kaya medyo tricky. Pinagpuyatan ko pa ito ng halos tatlong gabi para lang matapos. Buti at nagawa kong matapos kaninang madaling araw. Last week itong pinagawa sa amin at ngayon ay deadline na. Well, pagkatapos naman namin nito mapasa ay pwede na kaming umalis ng room. In short, pwede na pumuntang headquarter!!!!!!! Napagkasunduan kase namin ni John na magboxing today. At kasama ang mga phantoms. “Next, Mr. Apolo” Napatingin kaming lahat sa kaklase naming agad na tumayo papunta sa aming professor. Isa-isang chinecheck ng professor ang bawat plates kaya naman nakakainip dahil antagal namang ta

