Gulong-gulo na ang isip ko nung nilisan namin ang lugar na iyon. Wala namang ibang nasaktan sa insidente bukod sa natamaan ng bala pero madaming nasirang gamit sa loob. Dinala na agad sa ospital ang lalaking iyon at hindi namin naabutan ni Bella pagkalabas namin ng restaurant. Gabi na pero andaming tao sa labas. Parang buong barangay na ang naroroon. Nakikiusisa at ilang oras kaming tinititigan. Maraming nagsidatingang pulis ngunit hindi na ko nagsalita at nakiusap na lang na imbestigahan ang nangyari kahit naman na alam ko na kung sino ang may pakana. “Tara na. “ Nakaupo ito sa mga halamanan. Kanina ay natutuwa ito sa nakikita ngunit ngayon ay halos lutang na ito sa nangyari. Walang reaksyon ang kanyang mukha dahil hindi pa din ito nakakarecover sa gulat. “Uyyy a-anong gi-nagawa mo

