BELLA'S POV Kinabukasan ay maaga naming nilisan ang mansyon. Naiiyak pa si Don Lucas dahil matagal – tagal na ulit kaming di niya makikita. “Bumalik kayo rito pag di na ganoong busy ang schedule niyo," masayang sabi ni Don Lucas. Kahit ako ay naiyak rin. Totoo nga namang nakakamiss ang mga magulang lalo pa at mahal na mahal mo at ayaw mong mawalay sa kanila. Sa tabi ko ay nakataas ang kilay at nakabusangot ang mukha ni Chaos. Nakokornihan siya pagiging sweet at madrama ng Papa niya. “Salamat po," masaya kong sabi. Ngumiti ako kay Don Lucas. Bigla kase akong nahiyang tawagin siyang Papa. Halata sa mukha nitong napansin ang aking mga sinabi. Ngunit ngumiti na lang ito at hindi na iyon pinansin. Pinabaunan kami ng mga prutas na naani kani – kanina lang. Marami iyon at iba – iba ang kl

