BELLA'S POV HIYAWAN ang sumalubong sa aming lima pagpasok pa lamang. Punong – puno ang buong gymnasium at kahit pa may aircon rito ay hindi naging sapat iyon para ibsan ang init na lumulukob rito. Ang ibang mga estudyante ay nakikipagpicture kila Jes at Reel. Wala naman rito ang mga girlfriend nila pero dahil siguro ay kilala sila ay wala silang magawa kung di ang pagbigyan ang mga fans nila. Nasa harapan at gitna na ang mga players at nakita ko roong nandodoon na din ang boyfriend ko. Nagsasalita ang referee ngunit sa akin siya nakatingin. Bigla kong naalalang may usapan pala kaming maaga ako didiretso rito dahil iiwan niya ang cellphone niya sa locker room. OMG!!!! Agad kong kinuha ang phone ko sa aking sling bag at nabasa roon ang 50 missed calls na galing sa kanya. Napauwang pa a

