BELLA'S POV Umupo na kaming tatlo nila Rose at Thazel. tsaka nakinig na sa huling anunsyo. “Bella.” Mahina iyon ngunit may halong diin. Tinaasan ko agad ng kilay si Rose dahil sa tono niyang iyon. Itinuro ng mga mata niya ang pag-upo ni Ali sa aming gilid. May mga kasama itong tatlong babae na pawang mga kagaya niyang mayayaman at maaarte. Lahat sila ay matatangkad at agaw pansin ang kanilang kaputian sa mga suot nilang shorts at backless. Kumaway pa sila sa amin nang mahuli kaming nakatingin sa kanila. What the F! Pinayagan silang magganyan? Nagbulung – bulungan ang mga estudyante sa paligid dahil sa mga suot nila. Tumingin rin ang ilang professors mula sa baba ngunit hindi naman nila sila sinita. How unfair it is! Tapos na ang laban at nanalo sila Chaos. Niyakap agad ako ng

