BELLA'S POV Ngumiti ito at saka humakbang papalapit para halikan sa pisngi ang boyfriend ko. Naamoy ko agad ang mapang-akit nitong pabango at ngumiti lang ito kay Chaos. Inaantay kong balingan din ako ng tingin ngunit parang hangin lang ako rito. Nasa likod ng babaeng ito si Adam na nakatingin lamang sa akin. May bakas na galit ang naroroon at isang di ko maipaliwanag na ekspresyon. Nakaramdam ako ng kaba sa sitwasyon. His team isn’t around but Ivan is there by his side at nasa tabi rin nito si Ali. Nagulat pa akong naroroon na din pala ito. She’s sending daggers in me. At hindi ako natutuwa sa pinapakita nito. Hello! I’m hereeee! ang bastos ah! “Shiela..” Halos pabulong na iyon mula kay Chaos. Naramdaman ko pa ang pagbuga nito ng hangin at diretsong nakatingin sa babaeng iyon. Ngum

