“Bella. Bat mo ko iniwan?” Napalingon agad ako sa aking likuran. Nasa kakahuyan pa rin kami at naririto pa din ako sa aking pinagtataguan. Sinalubong agad ako ng magkadikit na mga galit na mata ni Reel. Nakakatakot siya. Punong-puno ng dugo ang kanyang ulo at pati ang kanyang mga mata ay may dugong tumutulo. Hawak nito ang isang saktong habang kahoy, may bahid din Ng dugo iyon. Bakas sa mata nitong umiiyak ito sa pag-iwan ko. Ngunit naririto pa ako….. Magsasalita na sana ako nang mapansin kong nakahandusay na ang limang lalaking humahabol sa amin kanina. Naroroong nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng itim na mask. Hindi ko siya masyadong makilala. Nakatingin lang ito sa akin ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napansin kong ngumisi ito. Itinaas nito ang kanyang kanang kama

