NAGPASYA itong gamitin ang kanyang Fortuner at mula condo niya ay bumyahe kami papuntang San Dominggo para dalawin ang Lolo ni Chaos. Buti at dinala ko ang aking denim jacket dahil nilalamig ako sa suot suot kong isang black backless dress na regalo nito kani-kanina lang. “Wear this!” inabot niya iyon sa akin at saka humalik agad ito na siyang ginawaran ko naman ng matamis na ngiti. Kakagising ko lang at ito na agad ang bumungad sa akin. Tiyak kong kanina pa ito gising at hindi pa nakakaligo pero kahit ganoon ay mabango pa rin at hindi nakakasawa. Ngiting-ngiti pa rin ako habang nakaupo dito sa cockpit at itinutuon ang atensyon sa labas ng bintana. Ibinaba kase nito parehas ang mga bintana dahil mas gusto raw nitong malanghap ko ang sariwang hangin sa umaga idagdag mo pa na walang ga

