BELLA'S POV LUMIPAS na ang isang buwan pero kinikilig pa rin ako sa tuwing sinusundo ako nito sa condo at hinahatid lagi. “Baby,” humalik agad ito sa aking pisngi at sumilay roon ang parehas naming ngiti. “I love you!” Aniya. “I love you too!” Abot langit ang aking ngiti nang yakapin ako nito nang mahigpit at halikan sa labi. Sandaling humalik pa ito sa aking leeg bago ako tuluyang bitawan. My life is filled with love and happiness simula noong naging kami. Even sila Rose at Thazel ay hindi makapaniwalang kami na pero nangingibabaw ang tuwa sa kanilang mga mata. Kinuha agad nito ang aking bag at mga dalahin saka magkahawak kamay kaming pumasok sa elevator. Itinaas nito ang magkahawak naming kamay at tinitigan iyon. Hindi nawala sa aking ngiti ang paghalik niya roon. Pumayag kase

