BELLA'S POV “Wag niyo naman tinatakot si Bella," ani ni John na nginitian lamang ako. Hindi ko alam kung gagaan ba ang loob ko sa ginawa niya o mas lalong kakabahan at tatanggapin ang katotohanang matutulog kami rito dahil natalo kami sa laro. “Sigurado ba kayong talo kami? Baka naman hindi niyo nahanap ang mga flags?” Ngumiti ako sa kanila saka kinagat ang mais na tinusok ng sa kawayan. Mainit iyon at ramdam kong nanginig ang ngipin at napaso ang aking dila. Hindi Naman iyon ganoong mainit kumpara kanina. Sadyang nakakabigla lamang “Hahahaha. Ano Albert? Pakita niyo nga mga nakuha niyo?” Sabi ng isang lalaki sa gilid. Ang mga mata nito ay tila nanghahamon. Gayundin ang mga salitang may patuya. Kung titignan ay gwapo ito at halatang natural na ang kaputian dahil namumula pa ang pisn

