BELLA'S POV MABILIS niyang nakuha iyon at bumaba na agad. Sumakay na agad kami sa kabayo niya at nagpatuloy na nilakbay ang buong kakahuyan. Nangingiti pa ako habang pinagmamasdan sa ere ang hawak kong flags. Iniisip kung kami na ba ang mananalo sa game o baka kami na lang pala ang naiwan rito sa kakahuyan. Papalubog na ang araw nang makita namin lahat ng flags. Nakakatakot iyon isipin kaya iwinsla ko na lang sa aking isipan. Nangingiti pa ako habang naaalala kung gaano kadali naming nakita lahat. “Tara na. Malapit na tayo sa camp.” Iniligay ko na sa nakahandang palad niya ang aking kamay at hinigit niya ako para makasampa sa kabayo niya. Alas singko na ng hapon na noong nakarating kami sa camp. Nagulat kami at naroroon na silang lahat. Malayo palang ay nakatingin na silang lah

