Chapter 27.2: Outing

1017 Words

Umahon muna ako at iniwan sina Clea na kasama yung ibang mga kaklase namin. "Beth!" Narinig ko ang sigaw nila pero hindi ko na lang muna sila pinansin. Naisipan ko munang pumunta doon sa bahay na tinutuluyan namin upang kunin yung cellphone ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Krisha na pumasok sa kwarto ng boys. Ano kayang gagawin niya dun? Sumilip ako at nakita kong may binuksan siyang bag. Kay Logan ata 'yon ah. Nagulat ako nang bigla niyang kinuha yung cookies na binigay ko kay Logan. Lumapit siya sa basurahan at itatapon na sana yung cookies pero pumasok ako. "Bakit mo itatapon 'yan?!" Inis na tanong ko sa kaniya. Halatang nagulat siya dahil sa biglaang pag pasok ko pero agad din siyang ngumisi. "Sorry, akala ko kasi basura eh," sagot niya. "Nababaliw ka na ba?!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD