Naiwan akong mag-isa dito at nakaupo pa rin sa buhangin. Madilim na rin at medyo malamig na dahil sa hangin. Sa di kalayuan ay natatanaw ko pa ang ibang mga kaklase ko na naglalakad-lakad, ang iba naman ay nakatambay lang din. "Ayos ka na ba?" Gulat akong napatingin doon sa nagsalita. Naupo rin siya sa tabi ko. Tinitigan ko siya habang siya naman ay diretsong nakatingin sa dagat. "Ayos ka na ba?" pag-uulit niya sa tanong. "Ah oo. Ayos na ako. Salamat pala sa pagsagip sa akin kanina," sabi ko at ngumiti. Hindi na siya sumagot. Nanatili lang ang tingin niya sa dagat. Napayakap na lang ako sa sarili ko nang humangin nang malakas. Nakalimutan ko pa lang magdala ng jacket. "Oh!" Napatingin ako sa inabot niya sa 'kin. Yung jacket na pinahiram niya rin sa 'kin dati. Tinignan ko

