Ngayon ang outing namin at nandito na ako sa school. Ilang beses pa akong nagpaalam kila mama, kailangan ko pang maglinis ng bahay bago ako payagan. "Beth!" Lumingon ako sa tumawag sa 'kin at nakita ko si Clea. "Bakit parang hingal na hingal ka ata?" Tanong ko nang makalapit siya sa 'kin. "Late na kasi ako nagising at nagmadali ako pumunta rito kasi baka maiwan ako," sagot niya. "Teka, ako na lang ba inaantay?" tanong niya. "Hindi naman. May ilan pang inaantay pero after 30 minutes at wala pa sila dito, baka maiwan na lang sila," sabi ko sa kaniya. "Oh, gosh! Buti na lang nakaabot ako. Hindi ko pwedeng palampasin ang outing na 'to," aniya. Tumawa ako. "Ako rin! Excited na ako!" "Guys, pwede na raw pumasok sa bus!" sigaw ng isang kaklase ko. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad

