Napapangiti pa rin ako sa tuwing naaalala ko kung paano ako ipinagtanggol ni Logan kahapon tapos nakasama ko pa siya sa detention room. "Good morning," bati ng adviser namin na kakapasok lang. "Pasensya na sa nangyari kahapon. Napatunayan na wala naman talagang ginawang pandaraya si Beth at hindi sa kaniya ang kodigo," sabi niya at tumingin sa'kin. Ngumiti na lang ako at tumingin sa mga kaklase ko. "Beth, sorry kung napagbintangan ka namin kahapon." "Ayos lang po. Salamat din po dahil binigyan niyo ako ng chance para patunayan na hindi talaga sa'kin yung kodigo," sagot ko. Nakarating din pala kila mama't papa ang tungkol dito. Pagkauwi ko sa bahay ay tungkol agad dito ang bungad nila sa akin. Buti na lang ay naipaliwanag ko sa kanila nang maayos at nai-text din naman sila ng advi

