Naglalakad kami ngayon ng mga kaibigan ko at kasama rin namin si Logan. Nakakapagtaka nga na hindi nakabuntot sa kaniya si Krisha. "Beth, naniniwala kami na hindi sayo ang kodigong 'yon," sabi ni Clea at inakbayan ako. "James, samahan mo ako mamaya. Hanapin natin kung sino ang naglagay ng kodigo sa upuan ni Beth." Rinig kong sabi ni Sin. Tumingin ako kay Krisha at pagkatapos ay nilingon ko sina Sindro. "Thank you sa pagtatanggol niyo sa'kin," sabi ko sa kanila. "Ano ka ba, Beth! Wala 'yon 'no! Pinagtatanggol ka namin hindi dahil kaibigan ka namin, pinagtatanggol ka namin kasi alam namin na ikaw ang tama," sabi ni Krisha. Nang makarating kami sa labas ng office ay hinarap ko muna sila. "Ako nalang ang papasok. Kaya ko na 'to. Salamat," sabi ko at nginitian sila. Tumingin ako k

