Mag-isa na lang ako ngayon sa clinic dahil kailangan pa pumasok nila Clea sa next class namin. "Ang boring." Huminga ako nang malalim. Bumangon ako at dahan-dahang lumabas ng clinic. Buti na lang ay wala 'yung nurse. Habang naglalakad ay patuloy na rumerehistro sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na kaya akong itulak ni Logan dahil lang sa babaeng 'yon. Kung susungitan o sisigawan niya ako, ayos lang dahil gano'n naman talaga siya pero tinulak niya ako! "Beth." Napatigil ako sa paglalakad at tinignan yung tumawag sa'kin. Agad din akong napatalikod at binilisan ko ang paglalakad ko nang makita ko si Logan. Ayoko siyang makausap. Lumingon ako at nakasunod pa rin siya sa'kin. "Wag kang sumunod sa 'kin!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig at ipinagpatuloy l

