Nagising ako na mag-isa nalang dito sa loob ng room. Napansin ko 'yung jacket na nakapatong sa katawan ko. Kay Logan ba 'to? Tinignan ko yung pinto at nakabukas na 'to. Hindi manlang ako ginising o inantay ni Logan. Nanlaki ang mata ko nang makita 'yung oras sa cellphone ko. 30 minutes na lang bago mag start yung klase namin. Hindi na ako makakauwi. "Ay wait! May P.E. nga pala kami mamaya. Pwede naman maligo dito eh kaya ayun na lang 'yung susuotin ko." Nagpunta na ako sa locker room para kunin yung P.E uniform ko at maligo. "Beth, bakit naka P.E. uniform ka kaagad?" Tanong ni Clea pagkapasok ko sa room. "Hindi kasi ako nakauwi eh," sagot ko. "Ano?!" Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari kahapon. "Hindi mo na itatapon yung listahan?" Tanong niya kaya napatango ako. "

