Ngayon ang simula ng Foundation Day namin. Pagpasok ko pa lang sa loob ng school ay nakita ko na agad ang mga nagkalat na booths. May mga pagkain, palaro, at iba pang pakulo ng mga estudyante. "Clea!" tawag ko nakita ko siya sa isang hotdog stand. "Buti naman dumating ka na," sabi niya. "Nasaan si James at Sindro?" tanong ko sa kanya. "Si Sindro hindi raw makakapasok kasi may kailangan asikasuhin. Si James naman ewan ko do'n. Baka kasama na naman mga babae niya," sagot niya sa 'kin. Kaya pala nag-iisa siya. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. "Tara, punta muna tayo sa ibang mga booths," sabi ko sa kanya. Nag ikot-ikot na kami sa school. Halos lahat ay busy sa mga naka-assign na booth sa kanila. Ang ibang estudyante naman ay masayang nag-uusap at naglilibot din. "Hii!" Na

