One month na kami dito sa Canada. Marami na rin ako napuntahan kasama ang mga pinsan ko at minsan naman ay si Sin ang kasama ko. Mas nakilala ko pa ang mga pinsan ko at masaya talaga sila kasama. Sa sobrang close namin sa isat-isa, aakalain mo na matagal na kaming magkakasama. "Saan punta mo?" Tanong ni Janine. Naabutan ko siyang naka upo sa sofa habang nanonood. "May usapan kasi kami ni Sin na magkikita kami ngayon." Sagot ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta sinabi niya lang na susundin niya ako dito sa bahay namin. Napansin ko agad ang pang-asar na tingin ni Janine. Mukhang alam ko na kung ano ang iniisip nito ngayon. Biglang tumunog ang phone ko. Binasa ko yung text ni Sin na nasa labas na daw siya ng bahay. "Nanjan na si Sin. Bye." Paalam ko sa kaniya. "Sige,

