"Endless love?" Tanong ko. Huminga muna siya nang malalim bago mag salita. "Beth, may gusto sana akong sabihin sayo. Matagal na tayong magkaibigan at sana hindi mawala ang pagkakaibigan natin pag narinig mo ang sasabihin ko ngayon. Beth, I--" Biglang tumunog ang phone ko kaya hindi natuloy ang sasabihin niya. "Hello." Sinagot ko ang tawag. "Beth, nag aya sina Andy na mag sleepover sa kanila. Gusto mo bang sumama?" Si Lexy. "Ahh..sige. Gusto ko yan," sagot ko. Hindi pa ako nakakapag sleepover sa bahay ng mga kaibigan ko. At gusto ko masubukan 'yon kasama ang mga pinsan ko. "Sinabi pala sa akin ni Janine na magkasama raw kayo ni Sin ngayon. Ayain mo na din siya sa sleepover natin." "Sige, sige, sasabihan ko siya." "Okiee. Intayin na lang namin kayo dito sa bahay niyo para sab

