"Paano mo nalaman na aalis kami?" Tanong ko kay Sin. Hindi pa rin ako makapaniwala na sasama siya sa amin. Canada 'yon! Sa ibang bansa! Hindi kami basta pupunta lang sa Batangas o anumang probinsya. "Tulog ka kasi nung tumawag yung tita mo at na i-kwento rin ni tita sakin na pupunta nga daw kayo sa Canada." Sagot niya. So, nauna niya pa palang nalaman na aalis kami kaysa sakin. "Eh pano yung pag-aaral mo sa Pilipinas? Pinayagan ka ba ng parents mo na sumama sa amin?" Tanong ko ulit. "Pinayagan nila ako at sa Canada na rin ako mag-aaral. May bahay naman yung lola ko doon eh." Sagot niya. "Sakto rin dahil walang kasama si lola roon," dagdag niya. Naalala ko bigla sina Clea at James. Dalawa na lang silang magkasama. Sigurado naman ako na hindi sasama si Logan sa kanila dahil kay Krish

