Naging mabilis ang pagdaan ng mga araw. Naging maganda ang lahat para kay Daneen. Sino ang mag-aakalang magiging magaan pala para sa kanya ang lahat —taliwas sa iniisip niya dati na wala ng tatanggap at hindi na siya mapapatawad ng mga taong nakagawan niya ng kasalanan. Noong araw mismo ng kanyang welcome party nakausap narin niya ang mag-asawang sina Kent at Khiara. Nakahingi narin siya ng tawad sa mga ito—at labis niyang ipinagpapasalamat na malugod nilang tinanggap ang kanyang paghingi ng kapatawaran. Ayon sa Tito Kent niya—wala na daw saysay na magalit pa sila sa kanya. Ang importante daw ngayon masaya na si Achilles sa napili nitong buhay at masaya narin sila para sa anak nila. Isang tao na lamang ang hinihintay niyang magbalik. Isang tao na lamang ang gusto niyang makausap para m

