DUMATING ang araw na kanilang pinakahihintay—ang pagtatapos ni Achilles sa College of Philosophy minor seminary. Lahat ng buong angkan ng Cervantes ay sobra ang kasiyahan dahil sa wakas— muli na nilang makakasama sa labas si Achilles. "Babe, are you crying?" isang umaga habang naghahanda ang mag-asawang Kurt at Gabriella para sa kanilang pag-alis papunta ng Cagayan. "I can't help it your honor," "You should be happy babe, magtatapos na ang anak natin and at the same time makakasama natin siyang muli." malambing na wika ni Kurt sa asawa. "Yeah, I must be happy but I can't your honor. What is next after this?" muli ay naluluhang sambit ni Gabriella sa asawa. Alam na nila ang kasunod nito. Alam nilang desidido na talaga ang anak sa desisyon nitong maging pari. After ng regency period ni

