Nang dahil sa aking nagawa, napagtanto ko kung gaano kahalaga si Achilles sa buhay ko. Sa mga nakaraang taon na ginugol ko sa aking pag-aaral—pilit ko siyang iwinaglit sa aking isipan. Pero sadyang kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong gawin mo hindi mo siya magawang kalimutan. Nangako ako sa aking sarili na uuwi lamang ako sa amin kapag may kaya na akong ipagmalaki sa kanilang lahat lalo na sa aking pamilya. Nawalay ako sa kanilang lahat, tinikis ko sila sa loob ng ilang taon dahil sa pag-aakalang ito ang makakabuti para sa akin. Pero nagkakamali pala ako—ngayon napagtanto ko na ang lahat, kailangan ko pala ang pamilya ko at lalong kailangan ko si Achilles sa buhay ko. Matamang nakinig sa akin si Macey. Wala itong kibo habang ako ay nagku-kwento sa lahat ng mga napagdaanan ko sa l

