Dumating ang kinabukasan, araw ng Sabado . Ito ang araw na nakatakda para sa gaganaping welcome party para may Achilless. "Ate Daneen," mahinang tawag ni Antheia kay Daneen habang unti-unti nitong binubuksan ang pintuan sa kanyang kwarto. "Oh, Antheia." Kasalukuyan siyang nag-aayos ng kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Pansin din ni Antheia na panay ang buntong hininga niya. "You okay?" Kunot-noong tanong niya. "Yeah," tipid na sagot niya kay Antheia. "Ate take this, palitan mo 'yang suot mo." Sabi pa ni Antheia habang iniaabot sa kanya ang dala nitong dress. Kinuha niya ang dress at sinipat niya ang kabuuan nito. "I can't wear this Antheia. Ayos na itong suot ko," muli siyang pinakatitigan ni Antheia. Isang long dress ang suot nito, may mahabang manggas at halos wala ka ng makit

