MATAPOS niyang kausapin ang kanyang sarili at magbaliw-baliwan sa harapan ng salamin—lumabas narin si Daneen. Pagkalabas niya sa VIP room ni Achilles naglakad na siya pabalik sa couch ngunit wala na ang binata sa working table niya. Napagpasyahan niyang manatili na lang muna sa loob ng opisina ni Achilles —gustuhin man niyang lumabas muna para sana ikutin ang buong building ngunit nahihiya siya sa kanyang suot. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa kanya lalo na si Francis. Umupo siya ng maayos at kinuha ang kanyang bag ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Masaya siya ng makita nito ang pangalan ni Akihiro sa screen. "Hello love," magiliw na bungad ni Akihiro mula sa kabilang linya. Ngunit bago niya iyon sagutin tumingin muna siya sa may pintuan dahil baka biglang dumating si

