Maru
"Uy, okay ka lang? " tanong ni Pam saakin habang naka halumbaba ako. Napa buntong hininga muna ako bago sinarado yung malaking book na kinuha ko dito sa may library ng school.
"Yeah. " pinaglalaruan ko yung ballpen ko habang naka tunganga nanaman.
"Isang buwan ka nang ganyan, Maureen. "
Isang buwan. Yes, isang buwan na hindi ako nakapag sulat. Wala kasing exciting na nangyayari, isang buwan din na walang paramdam yun si Astrid. Ni hindi nga pumapasok pati na din yung kapatid niya na si Austin, buti na lang ay walang laban yung basketball team kung hindi nako. Mawawala sakanya yung pwesto na yun.
Bakit ba ako affected dun? Kasi kinuha niya yung first kiss ko? Duh, sa panahon ngayon wala na masyadong may pake dun. 2003 na aba!
"Hay nako, una na ko Maureen dahil pinapa uwi na ko ni papa. " tumingin ako kay Pam na naka tayo na kaya hinalkan ko siya sa pisngi bago siya naglakad palabas. Madilim na din kasi.
"Gusto mo bang ma lockan dito? " agad akong tumingin sa likod ko para makita kung siya nga iyon at kung sakanya talaga yung boses na yun.
And guess what, siya nga. Binato ko siya ng notebooks ko at sumandal sa upuan.
"Masakit yun ah! " sabi niya sabay lapag ng dalwang notebook sa harap ko. Umupo siya sa tabi ko habang himas himas yung braso niya, doon kasi tumama yung binato ko pati na din sa noo niya na namumula.
"Bagay lang sayo yan. " Singhal ko dito, nag halumbaba siya pero patagilid at naka tingin saakin. Naka ngiti siya kaya tinaasan ko siya ng kilay, yung ngiting nangangasar.
"Na miss mo ko noh? "
"Wow, close tayo? " tumawa siya sabay umiling iling. Kinuha niya yung notebooks ko at binuklat iyon. "Siguro bagsak na ko this sem. "
"Hindi ka babagsak kung mag hahabol ka na ngayon din. "
"Okay, pahiram nito. Eto naman hahabulin ko. " ako lang ba o may ibang meaning yun at meron siya pinapahatid.
"Bakit ka nga pala biglang nawala? " tanong ko habang nag liligpit na, medyo hindi na mabigat yung bag ko dahil kinuha na niya yung mga notebooks.
"Lumabas muna tayo baka malockan na tayo dito. " hinila niya ko papalabas hanggang sa may parking lot. Naka tingin lang ako sa mga kamay namin na magka dikit, fit na fit siya. Para bang ginawa yung kamay namin para sa isa't isa, ang lambot pa ng kamay.
Tumigil siya sa isang kotse dun at humarap saakin bago inalis na yung kamay niya saakin, medyo na dissapoint ako. Ang ganda kasi ng hatid saakin nung kamay niya.
"Pasok. " wow. Inirapan ko muna siya bago pumasok, nag drive na siya habang walang nag papansinan saamin hanggang sa makarating kami sa isang restaurant.
"Wait, diba sainyo to? " tanong ko habang papasok kami. "Yeah, tara sa loob nagugutom na ko. " hinila nanaman niya ko at umupo na. Laking gulat ko na pagka upong pagka upo namin ay ganun din ang pag dating ng pagkain.
"Nag order na ko kaagad, hindi ko din alam kung anong gusto mo kayo nag order na ko ng marami. " explain niya, nag sign of the cross muna siya bago kumuha nung pasta.
"Iba ka talaga. " iiling iling na sabi ko bago kumuha na din ng steak, nagugutom na din ako. Na drain ako kanina.
"Baka gusto mong sagutin yung tanong ko? " sabi ko dito habang binabanatan yung carbo. Ang sarap ng carbo nila, ang saucy.
"Umalis kami ni kuya, may inasikaso lang kasama si mama. " sabi nito at uminom. Hindi ko pa nameemeet yung mama niya pero sabi naman ni mama ay sobrang bait ni Mrs. Silvestre.
"Ano naman yun? " pangungusisa ko.
"Do you want to know? " tanong niya na ikina tango ko. "Okay bukas, sumama ka saakin. Ayun din kasi project ko. " tumango na lamang ako at inubos yung carbo, narinig ko naman na tumawa siya kaya napatingin ako dito.
"Saakin galing ang recipe na yan at ako din nag turo sa mga chef dito. "
"Weh? "
"Oo nga, haft ng menu dito ako mismo gumawa. First love ko ang cooking and baking kaya pagkatapos kong maging doctor, pupunta akong France then doon ako mag aaral ng culinary. "
"So doctor chef ka pala. " pangangasar ko na ikinatango niya. Nag heart sign pa ito at kumindat.
Aaminin ko, simula ngayon favourite ko na ang mga pagkain nila dito. Alam ko din na hindi na to mag babago dahil hindi nakaka sawa yung mga pagkain nila dito.
Silvertree Restaurant.
"Yayain ko kaya si mommy sa restaurant na ito? Kaso busy si mommy e, ah! Alam ko na! " kausuap ko sa sarili ko saka tinago yung diary bago dali daling bumaba at pumunta sa kusina.
"Nanay! "
"ay kabayo! Susko kang bata ka, aatakihin ako sa puso! " sabi nito na ikinatawa ko, kumuha ako ng mga kakailanganin sa pag gawa ng carbonara.
Mabuti na lang ay marunong ako dahil ang bonding namin noon ni mommy ay ang pag babake at pag luluto. Nung nasa bahay ampunan pa ko ay ito din ang lagi kong ginagawa, pinapayagan naman ako at pinatutulong.
"Mag luluto ba ang baby Maru namin? "
"Yes po nanay, namiss ko na din ang pag luto e saka gusto kong gawan si mommy bago siya umuwi. " tumango naman si nanay saka nag simula na kami, ako talaga ang humahawak ng mga kakailanganin at assistant ko lang si nanay. Taga hawak at taga kuha, taga hiwa na din.
"Nay, isa pa po. "
"Sigurado ka anak? Tama lang iyan. "
"Opo, mag dadry po kasi siya pag yan lang mas masarap po kapag saucy. " tumawa naman si nanay at binigay niya nga saakin yung isa pa. Tapos eto tas eto then yung secret recipe ko!
"Ang galing talaga ng baby Maru namin, pwede ka din maging chef! "
-
"Mommy! " sinalubong ko si mommy at yinakap siya. "Bakit naka apron ang baby Maru ko? " tanong nito saakin habang kinukuha yung phone niya.
"Nag luto po ko sainyo ng carbonara para sainyo. " sabi ko saka ngumiti, halatang nagulat si mommy at natigilan. Para bang may inaalala.
"Mommy? "
"Picture ka baby, sesend ko sa mama Pam at mga daddy mo. " sabi ni mommy habang hinahanda niya yung cellphone niya.
"Isama mo yung linuto niya Maureen! Tara sa lamesa naandun! " sabi ni nanay at hinila ko na si mommy. Pinahawakan saakin yung malaking plato na pinaglagyan namin tapos kinuhanan na ko ni mommy ng litrato.
"iinggitin ko lang si na Jude. " natatawang sabi ni mommy habang nag tatype sa cellphone niya. Linagyan ko si mommy ng carbonara sa plato niya pati na din si nanay.
"Tikman niyo na! " sabay nila itong tinikman at nagkatinginan sila. Ngumunguya si mommy habang naka tulala na para bang may inaalala ulit.
"Hindi po ba masarap? " tanong ko.
"Masarap siya anak. " sabi ni nanay Loren at ngumiti. Tumingin ako kay mommy na may tumulong luha pero agad niya itong pinunasan.
"Masarap baby Maru, sobrang sarap. May kalasa siya. " Sabi ni mommy habang patuloy pa din sa pagsubo at tumingin kay nanay na tumango.
"Mana-mana. "
"Baby, hulaan ko secret recipe mo? "
"Sige nga po, ano? "
"Pagmamahal. "
Napatawa naman ako at napatango. "Nakuha mo mommy! "
--