Maru
Linock ko muna yung pinto ng kwarto ko bago binuksan yung diary ni mommy, mabuti na lang talaga hindi nagagalit at naghihinali saakin si mommy or si nanay na nag lolock ako dahil isa din ito sa house rule namin na wag mag lolock ng pinto.
Simula nung kumain kami sa restaurant nila ay mas naging close kami, ang nakaka inis lang ay lagi niya kong iniiwan. Sino bang may gusto ng iniiwan? Wala diba?
"Aray! " saad nito habang hinihimas himas niya yung braso niya, na hampas ko kasi ng notebook. "Para saan yun? "
"Sa pang iiwan mo na naman saakin. " naka labi kong sabi na ikina ngiti niya. "Aww I'm sorry baby. "
"Hmp! " sabi ko dito at tumalikod sakanya, napa ngiti namanbako kaagad at kinagat ko yung lower lip ko para mapigilan. Ewan pero kinikilig ako sakanya, ang weird. She's a girl and i am too but this feeling is, unique.
"Babyyy, I'm sorry. Babawi ako sayo. " yinakap niya ko patalikod at siniksik yung ulo niya sa leeg ko. Nakakagat ko yung daliri ko sa pag pipigil ng ngiti, aasarin niya kasi ako pag nakita niya kong naka ngiti ng wagas. Sabihing kinikilig ako e totoo naman ay este hindi pala.
"Nakikiliti ako Astrid. " saway ko dito, inalis ko yung pagkakayakap niya saakin at umupo sa kama ko. Ayoko man tanggalin iyon pero kailangan ko mag tampo sakanya. Pinapayagan siyang pumasok dito dahil kilala naman siya nina dad bukod doon e mag business partner pa nga sila. Masaya daw sila na naging close daw kami.
"Bawi na lang ako sayo. " sinundot niya yung tagiliran ko at sinamaan siya ng tingin. "Please? " nag roll eyes ako at umupo sa study table ko, narinig ko siyang napa buntong hininga at umalis.
"Hala. " sambit ko ng mai sarado niya yung pinto. Mas lalo naman ako napa simangot dahil umalis na siya. Gustuhin ko sana pigilan siya kaso ano siya!? Bahala siya diyan.
She's a bisexual, she's out and proud. Tanggap naman daw ito ng parents niya and especially her brother Austin. Close na close sila, ang cute nga nilang dalwa. Ang laki ng resemblance nilang dalwa.
Maya maya ay bumaba na din ako dahil nakaramdam ako ng gutom, wala sina mommy and daddy. May inaasikaso. Pumunta ako sa kusina at sa gulat ko ay nakita ko sina Astrid at nanay Rose na nag luluto ng kung ano.
"Astrid? "
"Hey, kala ko hindi ka bababa e. " sabi niya saakin sabay nag h***d apron at nag hugas ng kamay. "Anak halika umupo ka, nag luto kami ni Astrid ng paborito mong kare kare. May secret recipe pala itong batang to! " Inihanda na ni nanay yung mga niluto nila sa lamesa, pinagsandukan ako ni Astrid ng kanin at nung kare kare. Ganun din yung ginawa niya kay nanay rose na ikina ngiti niya. "Kare kare ala Astrid. " gusto ko sana matawa sa sinabi niya kaso pinigilan ko na lang.
"Si Astrid mismo ang nag luto niyan, tinuruan pa ko. Sa susunod menudo naman. "
"Opo nanay. " natutuwang sagot ni Astrid, si nanay Rose ang mayor doma namin dito. Close na din kami dahil siya ang tinuturing kong lola at nanay. Kinuha ko na yung kobyertos ko at nag simula nang sumubo.
"Hmmm. " hindi ko mapigilan, masarap pa to sa kare kare ng iba. Sumubo ulit ako ng sumubo.
"Sa tingin ko e, nagustuhan ni Maureen ang niluto mo Astrid. " napa tango naman si Astrid at ngumiti saakin.
"Ano bang ginawa mo dito? " tanong ko, napaka sarap kasi. Hinding hindi ako mag sasawa dito.
"Wow, may recipe. " gulat na tanong ko sa sarili. Nag next page ako kaso wala nang kasunod, next entry naman yun ni mommy. Inisa isa ko basahin yung recipe at kung gaano ito kadami. Minemorize ko din yung mga nakasulat dun, nung okay na at kabisado ko na lahat. Tinabi ko iyon sa drawer ko saka bumaba.
To be honest my curiosity kills me. Who is Astrid in my mommy's life? Friend lang ba talaga siya ni mommy? Minsan gusto ko mag skip at basahin na yung iba. Maybe i can do that later or tomorrow.
"Nanay, can you help me? " i flashed my pouty lips and puppy eyes para pumayag siya. Napa ngiti naman siya at napa buga ng hininga. Yes!!
"Okay. " napa talon ako at hinila siya sa kusina. Since my mommy didn't let me to touch the knife, nanay will do it. I instruct her katulad nung nabasa ko and na memorized ko. Tinignan naman ako ni nanay na may pagtataka at nag tanong.
"Is this your recipe? "
Ooops. Bigla naman akong kinabahan, kasama nga pala si nanay sa nabasa ko! Siya din pala ang kasama ni Astrid nung nag luto siya ng kare kare and i used her recipe! "A-ahm yes nanay, nag eexperiment po kasi ako saka nag sesearch po sa google. " pag dadahilan ko, kumagat ka! Napa tango tango naman siya at malungkot na ngumiti sabay titig sa kare kare.
"Okay, may naalala lang ako anak. Napa mahal na din kasi saakin yung bata na iyon. " sabi niya at tumingin saakin na para bang ako yung bata na iyon.
"Sino po? " tanong ko, i know and i can feel it na yung tinutukoy niya ay si Astrid.
"Kamukha mo siya. "
"Po? " pagtataka kong tanong na ikina iling niya at nag punas ng luha.
"No one, tara mag handa na tayo sa hapag kainan dahil maya maya ay uuwi na si mommy mo. " tumango ako saka nag simula nang mag ayos.
–
"Masarap yung luto mo ah, saan mo natutunan yun? " tanong ni mommy habang sumampa ako sa kama ko at inaayos niya ngayon yung kumot ko.
"Nag eexperiment po ko ulit mommy, katulad nung pag babake ko dati. " nag babake ako dati pero nag stop ako kaagad dahil nag kumon ako, i just realized na pwede ko pala pag sabayin dahil that's my passion and i love what i am doing.
"Hmm okay, you keep suprising me. " napatawa naman ako dahil sa bawat pag tikim at pag kain niya dun sa mga gawa ko ay lagi siyang nagugulat, palaging may naaalala si mommy base on her reaction and eyes.
Her eyes say it all and I want to see more of it, I feel like I am triggering her memories of her past.
"And i want to surprise you more mommy. " sabi ko saka hinalkan siya sa pisngi.
"I hope it's good baby Maru, goodnight. "
"Goodnight mommy, i love you. "
"I love you too, Raeka. " buong puso nitong sabi at hinalkan ako sa noo. Pinatay niya na yung ilaw ko pero nanatiling bukas ang lamp shade at sinara na niya yung pinto.
––