Chapter 1
“THIS is wildly ridiculous, Londyn!” mariing tutol ni Nadja na napatayo ng upuan. Malakas ang tinig niya, sapat upang maglingunan ang ilang mga tao sa loob ng restaurant. Pero wala siyang pakialam. Hindi siya makapaniwala sa hinihiling ng pinsan.
“Hindi ko kayang magkunwaring ikaw sa harap ni Rigo Sariego,” aniya, pilit pinapakalma ang nanginginig na tinig. “Delikado ang pinaplano mo. Mas mabuti pang humanap ka na lang ng ibang solusyon.” Mabilis niyang kinuha ang bag, desididong umalis. Ngunit bago siya makalakad palayo, maagap siyang hinawakan ni Londyn sa pulso.
“Nadja!" Londyn pleaded, grabbing her wrist gently. “Please… just hear me out first. Mauo ka muna. Let’s talk about this clearly.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Nadja. Bagama’t tutol ang damdamin ay unti-unti siyang naupo. Sa kaloob-looban niya, alam niyang hindi magiging madali ang usapang ito— lalo na ang hinihiling ni Londyn.
Kung pagmamasdan sina Nadja at Londyn ay para silang salamin sa isa't isa. Sa unang tingin, walang makakapansing may pagkakaiba sila ni Londyn—magkapareho ang mukha, tindig, at kilos. Para silang iisang katauhang nahati sa dalawa.
Palibhasa’y parehong namana ang angking ganda ng kanilang mga ina na ‘identical twins’. Aside sa pagkakapareho ng physical features ng bawat isa ay wala na rin pagkakatulad ang magpinsan.
Londyn was liberated the way she dressed and acted, since she grew up and lived in a city in Australia. Samantalang si Nadja, pinalaki sa isla—demure, simple, at mas piniling mamuhay nang payak. Kung si Londyn ay parang malayang ibon na lumilipad sa malawak na kalangitan, si Nadja naman ay parang isang kabibe sa dalampasigan—tahimik, matatag, at pinapahalagahan ang kung anong meron siya.
Her mother died before she was born at the age of twenty five. Namuhay siya na tanging kasa-kasama ay ang ama na si Andrew. Ito ang nagtaguyod sa kanya hanggang paglaki. Ngunit ilang buwan pa lang ang nakalilipas, nasangkot ito sa isang malagim na aksidente. Ilang linggo itong nasa ICU, nakikipaglaban sa pagitan ng buhay at kamatayan. Hanggang sa tuluyang pumanaw. Ang tanging naiwan lamang sa kanya ay ilang mga intellectual properties at ang beach resort ng kanilang pamilya sa Zambales.
May pagkakataong pinipilit siyang isama ng Auntie niya sa Australia upang makapagsimula ng panibagong buhay, ngunit tinanggihan niya ito dahil mas nais niyang manatili sa isla. Nangako siya sa sarili at magulang na ipipilit niyang muling ibabangon ang beach resort.
“Wala na akong ibang malapitan para sa bagay na ito, Nadja." Nanginginig ang tinig ni Londyn habang pinipigil ang pagluha. “Ikaw lang ang taong alam kong makakatulong sa akin. and what if I told you that this would solve your problem?”
Bumalik ang diwa ni Nadja sa sinabi ng pinsan. Her eyes narrowed. “Wala akong problema, Londyn.” Pilit niyang pinanindigan iyon kahit na alam niyang kasinungalingan.
Sandaling tumigil sa paghikbi si Londyn. Suminghot, kumuha ng tisyu sa maliit na kahon at marahang pinahid ang mga luha sa pisngi bago siya nito hinarap. “Well…” aniya, bahagyang ngumiti nang mapait, “kahit pa na sabihin kong unti-unti nang nawawala ang beach resort ng parents mo.”
Nadja’s breath hitched.
Makahulugang tiningnan siya ni Londyn, at hindi niya maiwasang salubungin ang titig nito. Walang kahit anong emosyon sa mukha ng pinsan, ngunit sapat na ang mga sinabi nito upang magtagis ang kanyang mga bagang.
Nitong mga nakaraang dalawang araw, nakausap niya ang isang abogado. Pormal nilang tinalakay ang tungkol sa naiwang ari-arian ng kanyang ama sa isla.
“Kinansela na ang loan ng parehong parents mo, at nakasanla na ang resort,” malungkot na paliwanag ng abogado. “Kailangan mong makahanap ng higit sa dalawampu’t milyong piso para mabawi ang property, Ms. Pastrana.”
Her forehead furrowed as she took a fleeting glance at the attorney’s firm expression. Matagal bago iyon mag-sink in sa utak niya.
“Dalawampu’t milyong piso?"
Tumango ang abogado. “Alam kong hindi ito magandang balita sa iyo hija. Lalo na't kakamatay lang ng iyong ama. At kung hindi ka agad makahanap ng solusyon, tuluyan nang mawawala ang beach resort ninyo. Maraming tao ang interesado sa pagbili ng buong isla, at kapag iyon ay nangyari, wala ka nang pagkakataon para maibalik ito. Alam mo namang labing-apat na araw lang ang ibinigay na palugit sa iyo, hindi ba?”
Kung kakalkulahin ang kabayaran ng limang milyong piso ay nakasisigurado na hindi niya kaagad maibibigay ang ganoong kalaking halaga sa loob lamang ng ilang araw.
Naiintindihang tumango siya. “Pero may iba pa naman sigurong paraan, Attorney Madrigal?” tanong niya, puno ng pag-asa.
“Malalim na bumuntong-hininga ang abogado bago siya tinitigan nang may simpatya. “Alam kong mahalaga sa’yo ang beach resort na ito, hija. Alam kong ito ang pamana ng mga magulang mo, at ayaw mong basta na lang itong mawala. Ngunit . . .“ Saglit itong tumahimik at waring nag-iisip ng paraan. “May iniwang trust fund ang mga magulang mo sa bangko, subalit sa kasamaang-palad, hindi sapat ang halaga nito para matugunan ang kailangan natin.”
Nanlumo si Nadja at nasapo ang noo. Malalim na nag-isip. Saan siya makakahanap ng ganoon kalaking halaga? Kahit pagsamahin ang savings niya at trust funds ng kanyang magulang, natitiyak niyang hindi iyon magiging sapat.
Naramdaman ng dalaga ang pag-alo ng kamay ng attorney sa kanyang balikat. “I’ll see you after three weeks, Miss Pastrana. I sincerely hope you already have the money in your hand. Tawagan mo ako kung may kailangan ka,” wika nito sa gitna ng panlulumo niya bago dinampot ang brief case sa table at nagpaalam.
Alam niyang walang masyadong magagawa ang abogado kung wala rin siyang maipapakitang konkretong solusyon.
Napabuntong-hininga siya at hinaplos ang sentido ng maalala ang paguusap na iyon. Wala pa siyang tiyak na plano, ngunit kailangan niyang makahanap ng paraan bago mahuli ang lahat.
“Listen to me, Nadja.” Londyn interjected, pulling her back to the present moment. “We can help each other. I am giving you a opportunity to help me first bago rin kita tulungan.” Londyn said in an empowering tone.
Hindi agad nakapagsalita si Nadja. Sinamantala iyon ni Londyn upang magbigay pa ng mga kondisyon.
“Kapag nagawa mo ang pakiusap ko sa ’yo, I’ll make sure na makukuha mo ang kabuoang property ng beach resort ng magulang mo.” her voice was pleading and promising. Gayundin ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. “And why am I telling you this? Because you're the only one I can trust. No one else.”
Naglaban ang isip ni Nadja. May bumubulong sa isipan na tanggapin ang alok nito alang-alang sa ‘Beach Resort’ ng magulang. Pero nasa kabilang isip niya ang pagtutol na mali ang maaaring binabalak nilang gawin.
Hinawakan ng pinsan niya ang kanyang mga kamay. “I’m sorry . . . Much as I want to help you without this condition, wala akong magagawa sa ngayon.”
“Londyn—”
“For the last time, Nadja. Please consider my offer.” Nagmamakaawa ang tinig nito. “Sandali lang ang pagpapanggap mo and it won’t take long. Hanggang makaya lang ni Rigo ang lahat. You saw him, right? Nakita mo kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos ng aksidente. He’s lost almost everything—his confidence, his motivation to start over. I can’t let him suffer more because of me.”
May kung anong kirot sa dibdib ni Nadja habang pinagmamasdan ang ekspresyon ng pinsan.
“I don’t know if he has suicidal tendencies, but I don’t want to take the risk.” Nagsusumamo ang boses ni Londyn. “Ayokong masayang ang buhay niya just because of me.”
“Then don’t leave him!” aniya, hindi napigilang itaas ang tinig.
Nagulat si Londyn sa sinabi niya. Maging siya mismo ay nagulat sa sariling reaksyon.
Nang mapansin ang naging reaksyon ay inayos niya ang sarili. “W-what I mean is, make a better choice. Kapag natantiya mo na kaya na ni Rigo ang lahat at kaya na niyang mabuhay nang wala ka, that’s when you can leave him. Just to be sure Craig can wait for you,” she added, shrugging as if it were the simplest solution.
“Napakurap si Londyn. “It’s not that easy,” sagot nito, puno ng lungkot. “I know he loves me very much, but I don’t know if he can wait for me, especially kung si Rigo ang dahilan.”
“Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Alam Kong maiintindihan ni Craig ang sitwasyon mo kapag sinabi mo sa kanya.“ himok niya sa pinsan.
Mariing napailing si Londyn. “No, I don't think that would work. Malaki na ang kasalanan ko kay Rigo at ayoko ng dagdagan pa.“
Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon
Huminga nang malalim si Nadja, saka siya tumitig nang diretso kay Londyn. “Did you ever love Rigo the way he loves you?”
“O-of course!” Londyn replied, but the hesitation in her voice was obvious. She knew her feelings for Rigo didn’t quite measure up.
Hindi siya sumagot, subalit sa pananahimik niya ay nalaman nito ang sagot.
Londyn took a deep breath. “All right! I honestly don't know the answer, Nadja. I care for him deeply, but I'm not sure if it's love. I thought I knew what love was, but now I'm questioning everything.” nakokonsiyensiyang pagtatapat ng pinsan.
Pinatili niyang tikom ang bibig. Hinihintay pa ang sasabihin nito.
“He’s a good-looking man, wealthy, and responsible. But I can't ever imagine myself being with a man who's as cold as ice as Rigo.”
Nadja arched a brow. “And Craig is the opposite of him, isn’t he?”
“Oh, Nadja. Think about it. If I had met Craig first, this wouldn’t be happening. I know this is wrong, but I truly love Craig. I feel alive when I’m with him. Masama kung ipagpapatuloy ko pa ang pagsisinungaling kay Rigo. And what’s the point of being with a blind man, anyway?”
“Oh, Nadja. Think about it. If I had met Craig first, this wouldn’t be happening. I know this is wrong, but I truly love Craig. I feel alive when I’m with him. Masama kung ipagpapatuloy ko pa ang pagsisinungaling kay Rigo. And what’s the point of being with a blind man, anyway?”
Nadja’s breath caught in her throat. Her chest tightened with a mix of disbelief and anger.
“How can you say that?” Her voice was quiet, but it carried a sharp edge that made Londyn flinch. “How can you say that to the man who's ready to gives everything to you?”
Lonyn's eyes darting away. “I didn’t mean it like that. But whats really matter for you now, Nadja?“
Her jaw clenched. Hindi na niya kilala ang pinsan. She looked at her, and saw a woman who had already made her choice. A woman willing to trade loyalty for passion, guilt for convenience.
“You need the money, don’t you? Think about it, my dear cousin. This could solve both our problems. If you do this for me, I’ll make sure you get the twenty million pesos you need.”
“Don’t let this chance slip away. I’ll give you a couple of days to think it over. This is not only for you, this is also for the sake of your parent’s beach resort." sabi ni Londyn, ngunit ang mga salita nito ay tila wala ng kabuluhan sa kanya sa mga sandaling iyon.