Kabanata 6

1255 Words
Malaikah’s PoV NANDITO na ako sa loob ng apartment namin ni Angelo nang mapansin ko na wala sa leeg ko ang kuwintas ko. Hinanap ko iyon sa aking bag at baka naisama kanina nang tanggalin ko ang aking suot na dress. Ngunit hindi ko nakita roon kahit na ano pa ang gawin kong paghahalungkat. Umupo ako sa gilid ng kama at ipinasyang tawagan si Angelo baka naiwan ko lang sa kotse kanina. Ngunit hindi ko naman siya makontak. Bigla kong naisip na baka naiwan ko sa banyo kung saan ako nagbihis. Importante ang kuwintas na iyon sa akin dahil ibinigay pa iyon sa akin ng namayapa kong Lola. Ang sabi niya sa aking ingatan ko iyon dahil iniregalo iyon sa akin ng aking Ina. Naluluha akong tinapik ang aking noo. Kailangan kong mahanap ang kuwintas na iyon dahil alaala sa akin ng aking namayapang Ina. Bumuga ako nang malalim bago magpasyang umalis ng apartment namin ni Angelo. Nag-text na lang ako rito na pupunta ako sa office nila sa Makati. ISANG oras din ang biyahe ko bago ako nakarating sa Villa Conde’s Building. Labing tatlong palapag ang taas ng building. Palagi akong nakakapunta rito noon pero hindi ko nakikita rito si Uncle Trex. Siguro dahil busy ito o talagang hindi ko lang siya nakikilala noon. Bumuga ako nang malalim bago nagtungo sa security guard na naka-duty sa labas. “Kuya, p’wede ba ako kay Angelo Villa Conde?” mahina kong tanong sa guard. “Ano ang pangalan mo, miss?” tanong nito sa akin. Kinuha nito ang telephone at may idinayal na number. “Ma-Malaikah Ventura,” mahinang sabi ko rito. “Wiggy, may naghahahanap kay Sir Angelo, Malaikah daw ang pangalan.” Tumingin ako sa loob ng building. Sa first floor pa lang mukhang abala na ang mga empleyado. Ang alam ko, commercial building ito at hindi lang company ni Uncle Trex ang nandito kun’di marami pang iba. “Miss Ventura, pumunta ka na lang daw sa 13th floor. Si Sir Tentrex na lang ang kausapin mo, baka kasi kasama niya ngayon si Sir Angelo,” sabi ni Kuya Guard pagkatapos nitong makipag-usap sa telephone. “Sige po,” magalang na sagot ko rito. Nasa edad singkuwenta ang guard na nakausap ko. Ipinagbukas niya rin ako ng sliding door. Nginitian ko lamang siya bilang pasasalamat. Nagtataka naman ako kung bakit sa huling palapag pa ng building naroon si Uncle Trex. Inisip ko na lang na baka office niya iyon ay naroon nga si Angelo kaya hindi nito sinasagot ang tawag ko. May mga nakasabay akong empleyado. Isang bakla at isang babae. Parehong aligaga ang mga ito at mukhang haggard. “Grabe, sobrang sermon ang inabot natin kanina kay Sir Trex. Hindi ko akalain na ganok talaga siya magalit. Tumayo ang mga balahibo ko kanina, akala ko nga hihiwalay na rin ang kaluluwa ko, e,” narinig kong sabi ng babae. “Hay naku, sobrang stress nga rin ako, e. Nasanay naman na tayo na palagi talaga siyang galit pero iyong kanina para niya tayong kakainin ng buhay, e,” narinig ko pa na sabi ng bakla. Pinindot ko ang number 13 sa button ng elevator. Bigla akong nilingon ng dalawa. Nakatinginan pa ang mga ito at pasimple akong tinignan mula ulo hanggang paa. “Miss, p’wede bang magtanong?” tanong sa akin ng bakla na tumabi pa sa akin. “O-opo, sir.” Tumawa ito sa sinabi ko. “Miss, naka-hairband ako at pink ang outfit ko. Tapos tatawagin mo akong sir? Kaloka ka! Anyway, bakit mo pinindot iyong 13th floor? Kilala mo ba si Sir Trex? May appointment ka ba sa kanya?” “Easy ka lang, Drei. Tinatakot mo naman siya, e,” nakangiting sabi naman ng babaeng kasama nito. Bumukas ang elevator sa floor na pinindot ng mga ito kanina. Hindi niya nasagot ang tanong ng bakla na tinawag na Drei. Mabilis na lumabas ang mga ito at nagsara naman ulit ang elevator. Kinabog ang aking puso. Kung galit na galit pala kanina si Uncle Trex baka marami ngang ginagawa si Angelo. Bigla tuloy akong nagdalawang-isip na tumuloy. Pipindutin ko na sana ang button ng ground floor nang biglang bumukas ang elevator at si Uncle Trex ang pumasok sa loob. Nagkatinginan kaming dalawa. Nauna akong nagbawi ng tingind dito. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. “Hinahanap mo daw si Angelo?” mahinang tanong sa akin ni Uncle Trex. “O-opo, ma-may hinahanap kasi ako na…” Huminto ako sa aking pagsasalita nang tumabi ito sa akin. “Hindi kita marinig. Ano ulit iyon?” pang-uilit nito sa akin. “May---” Napatigil ako sa aking pagsasalita dahil may mga sumakay na empleyado. Yumuko ang mga ito nang makita si Uncle Trex. “Good afternoon, sir.” Pagbati ng mga ito kay Uncle Trex. “Good afternoon too,” sabi nito pero seryoso naman ang tinig. Ramdam ko na para bang lahat ng empleyado na nakakasalamuha ni Uncle Trex ay natatakot dito. Nang lumabas ang mga ito ay nagpatuloy sa pagtaas ang elevator. Hindi na rin ako muling nagsalita para sagutin ang tanong ni Uncle Trex. Busy na rin kasi ito at mukhang may ka-text. BUMUKAS ang elevator at lumabas si Uncle Trex. Binalingan pa niya ako at kumunot ang noo nito. “Balak mo ba na maiwan diyan?” seryosong tanong nito sa akin bago muling tumalikod. Nagmadali naman ako na sumunod dito. Nagtungo kami sa isang pinto na may code lock ang pinto. Ganito rin ang lock ng isang kuwarto ni Uncle Trex sa bahay nito. Nagtataka ako habang nakatingin dito na pinipindot iyon. Bumukas ang sliding black door at pumasok ito. Inihakbang ko naman ang aking mga paa na hindi tumingin sa dinaraanan ko. Nakatingin kasi ako sa buong paligid ng kuwarto. Hindi mukhang office kun’di parang suite sa isang luxury hotel. “Aray,” mahinang sambit ko dahil tumama ang mukha ko sa likod ni Uncle Trex. Nabitawan naman ni Uncle Trex ang cellphone na hawak nito. Pupulutin ko sana pero bigla kaming nagkauntugan na dalawa. Malakas itong tumawa dahil sa nangyari. Napangiti naman ako dahil hindi ko maiwasan na humanga sa pagtawa nito. Para akong nakikinig sa mga DJ sa radio sa malamyos na tinig ni Uncle Trex. “Sorry, Uncle,” nahihiyang sabi ko rito. Nauna akong tumayo habang hawak ang aking noo. Pinulot naman ni Uncle Trex ang cellphone nito sa sahig at ipinatong iyon sa ibabaw ng center table. Umupo ito sa black na sofa at nag-cross legs. “Take a seat, Malaikah. Huwag kang mahiya.” Dahan-dahan akong umupo sa sofa. Katapat ko si Uncle Trex na nakatingin sa akin. “Nandito ka dahil kay Angelo? Wala ba siya sa inyo?” “Ang sabi niya sa akin kailangan niyang pumunta rito dahil may ipinapaasikaso ka sa kanya.” Hindi ko mapigilan na hindi mangiwi dahil nararamdaman ko ang aking noo na sumasakit. Nabukulan yata ako dahil matigas ang ulo ni Uncle Trex. Tumayo ito at yumuko. Hinawi nito ang aking kamay. Tiningala ko siya. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. “May bukol ka.” Napauwang ang aking mga labi habang nakatingin dito. Hindi lang pala ito guwapo sa poster, sa malayuan kun’di pati malapitan din. Tumingin sa akin si Uncle Trex. “Kukuha ako ng cold compress.” Inalis nito ang kamay sa noo ko at saka naglakad patungo sa kusina nito. Tinapik ko naman ang aking magkabilang pisngi. Mabilis din sa pagtibok ang aking puso. “Malaikah… please kumalma ka,” mahinang sermon ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD