Angelo‘s PoV
“BABE, pagkahatid ko sa iyo mamaya, dadaan pa ako sa office, ha. May ipinapaasikaso kasi sa akin si Uncle Trex. Nagkaroon kasi ng aberya iyong isang project na ipinaasikaso niya kay Drei. Baka gabihin ako ng uwi o baka bukas na ako makauwi. Kilala mo naman si Uncle Trex, kapag may ipinautos siya kailangan maresolba kaagad,” malambing na sabi ko sa aking kasintahan.
Hawak ko ang isang kamay ni Malaikah habang nagdra-drive ako. Hinagkan ko pa iyon ng tatlong beses.
“Okay, maiingat ka, babe,” napipilitan na sabi sa akin ni Malaikah.
“Hmm… badtrip ka pa rin ba kay Uncle Trex?” nakangiting tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin at saka napailing. “Masama ang ugali niya.”
Natawa na lang ako sa sinabi ni Malaikah. Iyon naman talaga ang first impression ng kahit na sino kay Uncle Trex. Mabait naman talaga si Uncle pero hindi lahat ng tao gusto siya.
Malapit na kami sa apartment na tinutuluyan namin ni Malaikah. Inihinto ko na ang aking sasakyan at pinagbuksan ito ng pinto. Tinulungan ko na rin siya na maibaba ang plastic na may laman ng mga pagkain na kinuha ko kanina.
Limang palapag ang taas ng aming apartment building kung saan kami nakatita ni Malaikah. Sa ikatatlong palapag kami kasama ng iba pang tenants na umuupa. Sa gilid ng apartment building may hagdan na siyang daanan namin patungo sa floor ng apart namin.
“Babe, huwag ka ng bumusangot diyan. Tatawagan na lang kita kapag hindi ako makakauwi. I love you.” Mabilis kong hinalikan ang mga labi ng aking kasintahan.
“I love you too.” Iwinayway ni Malaikah ang kamay nito habang pasakay na ako ng kotse.
Bumuga ako nang malalim habang nakatingin sa salamin ng sasakyan ko. Halatang inis na inis pa rin si Malaikah sa aking tiyuhin.
Habang nagdra-drive ako tumunog ang aking cellphone sa aking bulsa. Si Jaya, ang tumatawag sa akin. Ni-loud speaker ko na ang cellphone ko at ipinatong iyong sa may dash board ng aking sasakyan.
“Babe… matagal ka pa ba? Kanina pa ako wet na wet dito kakahintay sa iyo,” pagmamaktol ni Jaya sa kabilang linya.
Highschool sweethearts kami ni Jaya at hindi pabor si Uncle Trex sa relasyon naming dalawa nito. Hindi kasi maganda ang family background ni Jaya, dating GRO ang Nanay nito at isang drug addict naman ang Tatay. Akala ko makakalimutan ko na si Jaya noong makilala ko si Malaikah pero nagkamali ako dahil si Jaya pa rin ang nasa puso ko. Kaya noong magkita kami last month hindi ko na napigil pa ang aking sarili at pumayag sa kagustuhan nito na mag-live in na kaming dalawa.
Nasa Taguig lang si Jaya at nangungupahan din ng apartment.
“Sandali na lang nandiyan na ako, babe.”
“Baka naman nakipag-s#x ka pa sa peke mong girlfriend, ha!” paninita nito sa akin.
Mahina akong tumawa at napangisi na rin. Kahit na nagsama kami ni Malaikah sa iisang apartment ay wala pa ring nangyayari sa aming dalawa. Hanggang kiss lang ang kayang ibigay sa akin nito. At boring ang ganoong relasyon para sa akin. Sobrang conservative kasi ni Malaikah sa sarili nito dahil sinusunod ang bilin ng namayapa nitong abuela.
“Ikaw lang naman ang hinahanap-hanap ko, e. Sige na, tatapusin ko na ang call. Okay. Malapit na ako, babe. Relax and just wait. Bibili na rin ako ng alak para mas maging intimate tayo mamaya.”
“Okay, I love you and my p#ssy misses you too.” Humahagikhik pa na sabi ni Jaya sa kabilang linya.
Tinitigasan ako sa mga naririnig ko kay Jaya. Kung p’wede lang paliparin ko na ang sasakyan ko ay ginawa ko na.
KALAHATING oras lang ako na nag-drive papunta sa Taguig. Bumili na rin ako ng alak sa mini store na malapit sa apartment ni Jaya.
Iginarahe ko ang aking sasakyan sa parking lot ng apartment. Iniwan ko na rin doon ang cellphone ko baka tumawag pa si Malaikah at si Jaya ang makasagot. Tatlong buwan na kaming lihim na nagkikita ni Jaya at walang kaalam-alam dito si Malaikah.
Hindi pa man ako nakakakatok sa pinto ng apartment ni Jaya ay bumukas na ang pinto. Mabilis niya akong hinila at nahulog pa ang dalawang bote ng alak na binili ko sa sahig.
Ini-lock nito ang pinto at saka hinatak ang aking batok. Siniil ako ng halik ni Jaya. At tinugon ko naman iyon. Gumapang na rin ang aking kamay sa hubad nitong katawan.
Hindi na ako nakatiis at naghubad na rin ako ng aking pantalon. Pinatuwad ko si Jaya at ipinasok ko ang aking kahabaan sa basa nitong lagusan.
“Ohh, babe… fck me harder. Ahhh!” nangigigil na sabi ni Jaya na hinawi pa ang mahaba nitong buhok.
Hinatak ko ang bewang nito at sinunod ang gusto nito. “Ohh…” Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hinugot ko ang aking kahabaan dahil alam kong lalabasan na ako.
Mabilis na lumuhod sa aking harapan si Jaya at isinubo ang aking kahabaan. Umigtad ang aking katawan at hinatak ang ulo nito para lalong idiin sa bibig nito ang aking kahabaan.
Tumirik ang aking mata sa sarap.
“Satisfied, babe?” nakangising tanong sa akin ni Jaya pagkatapos nitong iluwa ang aking pagod na kahabaan.
“Yeah.” Kinuha ko ang aking tinanggal na boxer short at isinuot iyon.
Isinuot naman ni Jaya ang silk robe nito at saka nagsindi ng sigarilyo. Sumandal ito sa may bintana at hinithit ang sigarilyo na hawak.
“Babe, ‘di ba sabi ko naman sa iyo, itigil mo na iyang paninigarilyo mo.” Nilapitan ko si Jaya at kinuha rito ang sigarilyo na hawak. Pinatay ko ang sindi at inilagay sa paso na walang halanan.
“Sorry, babe. So, paano na ngayon? Matagal pa ba ang kasal ninyo ni Malaikah?”
“Mabilis na lang iyon, babe. Isang buwan na lang magiging malaya na tayong dalawa, katulad ng ipinangako ko sa iyo.”
Bumuga ng malalim si Jaya. “Naiinis lang kasi ako dahil napakatagal ko nang naghihintay sa iyo. Bakit ba kasi hindi mo na lang kunin sa matandang iyon ang pera mo sa bangko? Sa iyo namab iyon ‘di ba? Pinaghirapan ng daddy mo iyon para sa iyo. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan mo pa talagang ikasal para lang makuha ang pera na iyon.”
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Jaya. “Naiinip ka na ba?”
“Naiinis lang ako. Nagseselos, at gustong pum#tay ng tao. Nagiging praning na ako, babe. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ninyo ng babaeng iyon, gabi-gabi.”
Pinisil ko ang ilong ni Jaya. Binuhat ko siya at dinala sa loob ng banyo. Binuksan ko nag shower at inalis ang silk robe na suot nito.
“Babe, konting tiis na lang, okay? At wala kang dapat na ipagselos dahil ikaw lang ang mahal ko. Isa pa, conservative sa katawan si Malaikah. Kaya hindi ko nagagawa sa kanya ang mga ginagawa ko sa iyo. Huwag ka ng magselos, babe. Babawi ako… palikigayahin kita,” pabulong na sabi ko habang inaalis ang aking boxer brief sa harapan nito.
Muli kong inangkin si Jaya at pareho naming ipinadama ang pananabik namin sa isa’t isa.