Kabanata 4

1372 Words
Trex’s PoV “BAKIT hindi ninyo sinabi kaagad na hindi pa pala nakapagbibigay ng full payment sina Mister Lovito? Hindi mo ba ito nakita man lang Drei!” galit na galit na sermon ko sa aking staff habang nandito kami ngayon sa conference room at ipinatawag ko ang lahat ng aking empleyado. Nakayuko lamang ang mga mga empleyado ko at takot na takot sila sa akin. “Drei! Wala ka bang sasabihin?” malakas na tanong ko sa aking gay assistant secretary. “Sir…” “Five years na tayo sa industriya na ito at ni minsan hindi pa tayo gumawa ng isang project na hindi kumpleto ang bayad. Alam ninyo iyan! Pagkatapos sasabihin ninyo sa akin na nagkaroon ng problema si Mister Lovito at hindi na niya itutuloy ang engagement party na iyon? Wala na, e. Nakapag-book na kayo ng venue sa hotel, at binayaran na rin ang catering services. Palagi kong sinasabi sa inyo na dapat naka-note sa inyo ang lahat. Sana kung isang daan lang iyan mapapalampas ko pa, pero kalahating milyon ang nagastos natin diyan. At one hundred thousand pa lang ang ibinibigay ni Mister Lovito.” Napahawak ako sa aking sintido sa sobrang inis na aking nararamdaman. Lalo na’t nasa aking harapan pa ngayon ang mga resibo na nabayaran na ng staff ko. “Nagkasakit kasi noong ini-approve ni Miss Shaney iyan, sir. Ang sabi niya okay na iyong deal at nakapag-usap na kayong dalawa,” lakas loob na sabi ni Drei. Pinalo ko ang lamesa na ikinagulat ng lahat. “Siya ba ang boss mo rito, Drei? Hindi ba dapat galing mismo sa akin? Kayo na pala ang gumagawa ng desisyon ngayon.” Lalo lamang akong nagalit dito. “Palagi ka namang nag-a-update sa akin pero hindi mo ginawa? Nagkasakit ka lang at hindi ka pa nam*tay! Ano ba naman iyong tatawagan mo ako para doon?” “Sorry, sir,” tila naiiyak na sabi nito. “Ano pa ba ang gagawin ko ngayon? Nandiyan na ang problema. Hindi na rin ninyo makontak si Mister Lovito. Hindi na rin natin p’wedeng i-cancel iyong catering. Siguro iyong reservation ng hotel p’wede pa pero iyong mga nagastos sa venue, sa pagpapasahod sa mga tao, sa mga nagastos na decorations.” Bumuga ako ng malalim at pinigilan na magmura. “Kasalanan po naming lahat, sir. Ibawas na lang po ninyo sa sahod namin iyong nagawa naming pagkakamali ngayon,” sabi naman ni Tella, ang photographer ng team ko. “Kaya ba ninyong magtrabaho ng walang sahod? Sigurado kayo?” Hindi nakasagot ang mga ito sa tanong ko. Ilan lang sa team ko ang single pa katulad ni Drei at Tella. Iyong iba na kasama namin puro pamilyado na. “Kakausapin ko si Shaney, tungkol dito. Sige na, balik na sa trabaho,” seryosong utos ko pa sa mga ito. Si Shaney ang ang secretary ko at financial advisor. Wala kaming relasyon pero may namamagitan sa aming dalawa. Sinubukan kong tawagan ang dalaga pero hindi ito sumasagot sa mga tawag ko. Nakabakasyon ito ngayon at nasa Baguio. Si Drei ang in-assign nito para gawin ang mga naiwan nitong trabaho. Muli akong tumingin sa mga resibo na nasa harapan ko. Nanghihinayang ako sa malaking gastos ng Villa Conde’s Wedding and Events. Tinawagan ko ang catering at ipapa-pull out ko ang mga pagkain na idinineliver ng mga ito. Ipapadala ko na lang ang mga iyon sa kaibigan kong may puwesto sa palengke. Mas mabuti na ibenta ang mga iyon sa murang halaga para bumalik kahit paano ang pera sa akin. Pinabalik ko ang ilang staffs para tanggalin ang mga decorations sa hotel. Personal ko na lang na kakausapin ang manager para ipaliwanag ang aming side. Masiyadong engrande ang engagement party na inihanda ni Mister Lovito sa kasintahan nito. At biglang hindi natuloy dahil na-realize ni Zyra na hindi pala nito kayang pakasalan ang forty years old na si Mister Lovito. Hindi ko alam kung makikisimpatya ba ako para umunawa sa kalagayan ni Mister Lovito ngayon. O kung kakasuhan ko siya dahil tinakbuhan niya kami. Ang ibang pagkain katulad ng beef steaks na nasa fifty na piraso ay idi-deliver sa mga staffs ko ngayon dito sa office. Hindi iyon mabebenta sa karinderya. Unang beses na papakainin ko ang mga staff ko galing sa isang handaan na ako na mismo ang gumastos. Habang inaayos ko ang problema dito sa conference room nang mag-isa ay may kumatok sa pinto. “Come in,” malamig na sabi ko. “Sir Trex, hindi na talaga ito mauulit. Gumagawa na kami ng paraan para makabawi tayo. May mga wedding inquiries kanina at higit sa sampu iyon. Bukas ang schedule ng appointment namin para sa kanila.” Humila ng upuan si Drei at umupo sa gilid ko. Bumuntong-hininga ako at nagkibit-balikat. “Huwag na kayong magkakamali, Drei. Palalampasin ko ngayon ang nangyari pero kapag naulit pa ito… pasensiya na pero kailangan kitang alisin. Hindi ko kailangan ng assistant secretary na pabaya sa trabaho.” “Sir, naman…” Inirapan pa ako ni Drei. “Magagawa mo iyon sa akin na ten years mo ng kaibigan?” “Pera na ang usapan dito, Drei!” mariin na sabi ko rito. “Sorry na talaga, sir. Lahat naman kami rito kinokontak na ngayon si Mister Lovito. Nagpunta na rin sina Aris at Ryte sa coffee shop ni Mister Lovito.” “Makakausap ba ninyo ng matino iyong tao kung broken hearted ngayon?” Hindi na umimik si Drei sa sinabi ko. Tumayo ito at nagpaalam na lang sa akin. Naiinis ako, at galit na galit pero nagawa pa rin nitong mapangiti ako. Wala naman akong magagawa ngayon kun’di ayusin ang mga bagay na p’wede pang ayusin. PAGKATAPOS kong pagalitan at sermunan ang mga staff ko ay nagpunta ako sa 13th floor ng Villa Conde‘s Commercial Building dahil naroon ang pent house ko. Ten years ko na ring pinapatakbo mag-isa ang commercial building na ito. Maayos naman ang lahat mula noong ako na ang mag-manage dahil may pumapasok na kita. Hindi katulad noong si Kuya James ang nakahawak nito, ang namayapang ama ni Angelo. Walang income na pumapasok at halos malugi ang commercial building at nawalan pa ng gustong mag-rent dahil naubos ang pera sa pagsusugal ng kapatid ko. Nasa America ngayon si Ate Nisha at iniwan niya sa akin noon si Angelo para sumama sa bagong nobyo nito. Hanggang ngayon wala pa ring alam si Angelo sa lihim na iyon. Ang tanging sinabi ko na lang na namatay na rin ang Ina nito at ulilang lubos na. Nine years old pa lang si Angelo noong iwan na siya sa akin at parang ako na nga ang tumayong ama nito. Napabayaan din naman ni Kuya James ang anak nito dahil nalulong na nang tuluyan sa pagsusugal. Iniwan ko ang simpleng buhay ko sa probinsya para lang maging isang dakilang anak. Ako na lang naman ang inaasahan ng aking mga magulang na magpatuloy sa mga nasimulan ng mga ito. Nasa probinsya ang mga ito sa Santa Ignacia Tarlac at doon muna piniling tumira para makalanghap ng sariwang hangin. Abala ngayon si Dad na mag-alaaga ng kambing, baka, mga manok at bibe sa malawak na lupang nabili nito doon. Samantalang ako heto, may inaantabayanan na pasaway na pamangkin. Nasa penthouse na ako ngunit laman pa rin ng aking isipan si Malaikah. Iba ang kutob ko sa dalagang iyon. Oo, maganda siya at kaakit-akin pero... malakas ang pakiramdam ko na may iba itong motibo sa pamangkin ko. Kailangan kong makasiguro na mahal na mahal nga talaga ni Malaikah si Angelo. Nagtungo ako sa bar counter ng bahay ko at saka sinalinan ng brandy ang aking round glass. Uminom ako ng alak at saka napailing. Ipinamulsa ko ang aking isang kamay at tumingin sa glass window ng aking bahay. Tanaw ko ang mga malaking building sa buong Makati. May isang plano akong gustong subukan para kay Malaikah. Ang ipain ang aking sarili upang matiyak na hindi nito kayang lokohin si Angelo. Ayokong masaktan ang pamangkin ko at iwanan din ito bandang huli. Katulad nang ginawa ni Ate Nisha sa aking kapatid. At ang ginawa ni Klea sa akin noon. Ayokong pagdaanan ni Angelo ang lahat ng sakit na naranasan ko dahil lamang sa pag-ibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD