Trex’s PoV KATATAPOS lamang gawin ni Malaikah ang photoshoot para sa bagong shade ng Sky Liptstick nang tawagan ako ni Shaney. Matagal na kaming walang communication at ngayon lang ulit niya ako tinawagan. Nasa recieving area ng bahay ko ang Team Love at nandito naman ako sa kusina habang inaayos ang aming dinner. “Wow, congratulations. Engaged na pala kayo ni Malaikah,” sabi nito sa kabilang linya. Napakunot ang aking noo. “Paano mo nalaman?” “Saan pa ba?” Narinig ko sa kabilang linya ang ingay sa loob ng bar. “Alam mo hindi kita maintindihan, Shaney. Kung trabaho sana ang itatawag mo sa akin baka matuwa pa ako sa iyo.” Nagkasundo na kaming dalawa na kapag may mga big events na hindi nito kakayanin ay ipasa nito sa amin. “Friends kami ni Malaikah sa social media kaya nakita ko. Hin

