Malaikah's PoV “ABA! Iba yata ang ngiti mo ngayon, Aika?” pang-uusisa sa akin ni Drei. Magkasabay kaming pumasok sa office ng Team Love at pareho pa kami ng kulay ngayon ng damit. Pink na long sleeves at black skirt sa akin. Habang ito black pants naman. “Tignan mo ako, Drei!” Kinikilig na sabi ko habang nasa harapan nito at umikot pa ng dalawang beses. Itinaas ko ang aking kaliwang palad at saka hinawi ang hibla ng aking buhok. “Nagpakulay ka ba ng buhok? Hindi ka naman pumayat, ah. Medyo nagkakalaman ka na nga at medyo tumatangkad ka na rin,” pang-aasar pa nito sa akin. Lumapit sa amin si Nate na nakahalukipkip. “Trabaho na!” singhal nito sa amin. “Pansinin kasi ninyo ang kapatid ko, madaling araw siya tumawag sa bahay para lang sabihin na ikakasal na siya,” biglang sabad ni Spher

